3.

2.9K 104 39
                                    

I met Alice Kingsleigh.

NAKAKAILANG ang mga titig ng mga kaklase ko. Kahit na si Hazel na matagal ko nang nakakasama, napakasama ng titig niya sa 'kin. Hindi ko nga siya kinakausap at nang lunch break, hindi niya ako sinamahan.

Para silang mga robot na may sariling mundo. Kaming dalawa lang ata ni Caleb ang lumabas ng classroom para makapaglunch. I never said anything to him 'til we finished eating and went back to the classroom.

Ang weird nga ngayon dahil kadalasan kung matagal papasok ang guro namin, napakaingay nila at nagpaparequest pa na kukunan ko sila ng litrato. Pero ngayon, nakakabingi ang tahimik na bumalot sa loob ng classroom.

"Ano ba ang trip n'yo, guys?" naiirita na ako kaya tumayo ako. Napahiya naman ako doon dahil hindi nila ako sinagot at bagkus ay nanatiling nakatutok sa harapan ang mata nila.

Kaimbyerna. Is this some kind of apocalypse? Virus? Dammit. Kung apocalypse man 'to, sana pati ako nahawaan na dahil ayokong mapag-isa.

May pumasok na matandang babae bitbit ang kaniyang bag na gawa sa balat ng ahas at 'gaya ng mga kaklase ko, walang buhay ang mga titig niya. Si Ma'am Norria.

"Let's go to laboratory, class."

Nanindig ang balahibo ko nang tumingin siya sa akin at parang robot kung umalis. Pati ang mga kaklase ko, sabay-sabay silang tumayo at naglakad papunta sa labas. Kung noon ay para silang nagrarambulan 'pag lumabas, ngayon naman ay kaniya-kaniya lang silang nag-line up na hindi naman namin ginagawa.

"Agnes..." 

Lumingon ako sa kaliwa at nakita si Caleb. Ngumuso siya sa  line na bakante pa kaya agad akong kumilos at nakilinya din sa mga kaklase ko. 

Nasa likod ko naman si Caleb na nakasunod sa 'kin sa linya. Hindi lang kami ang nakalinya kundi pati ang iba pang section na pupunta sa kani-kanilang laboratory.

Pagdating namin sa lab ay agad akong umupo sa upuan ko katabi si Caleb. Hindi ko siya pinansin noong may isinulat siya sa papel niya. Kumunot ang noo ko nang ipinatong niya ang isinulat niya sa harap ko.

Kahit na naguguluhan ay kinuha ko pa din 'yon at binasa ang nakasulat doon.

Act normal, the way our classmates act. This isn't the real world, Agnes. We're being cursed. We're inside her game.

Tinapunan ko siya ng naguguluhang tingin at ibinalik ang tingin ko sa papel. Ilang saglit pa ay nagsimulang magdiscuss si Ma'am Norria kaya agad kong tiniklop ang papel at pinasok sa bulsa ko. 

BUMALIK KAMI sa classroom. Like what we did earlier, we formed a line outside the lab and went back straight to our room. Sabay-sabay din silang umupo.

Dahil sa nabo-bore na ako sa katahimikan, I took my camera and turned it on. Inangat ko ang camera para makita ang mga kaklase ko sa lense. Pero laking gulat ko dahil wala akong makitang kahit sino sa camera pero kapag inalis ko ang tingin ko doon, nakikita ko naman sila.

Pagbalik ko ulit sa camera, wala. Parang blanko ang classroom at tanging upuan at lamesa lang ang makikita. Itinapat ko iyon sa pwesto ni Caleb pero nandoon siya. What the hell?

Dahil sa takot ay disgrasya ko itong nabitawan kaya napatingin sila sa akin. Humingi ako ng paumanhin at bumalik naman sila sa kanilang pagtitig sa harapan. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang camera sa sahig.

"Holy shit," I don't want to scream kaya ang ginawa ko, tinikom ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. 

'Yung mga paa naman nila nang kunin ko ang camera sa sahig ay parang namumutla. Ayoko mang isipin pero parang tama si Caleb. Something bad and weird and... I don't know! 

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now