20.

979 54 25
                                    

What strange?

"Why do I need to kill Agnes?" ang palaging tanong ni Aggy habang tahimik na naglalakad sa gitna ng gubat. Madilim at nakakakilabot na gubat.

Habang naglalakad si Aggy, biglang rumehistro sa utak niya ang itsura ng mga estudyante noong pumasok siya sa classroom ni miss Aberdeen o ang nana niya. Nakatunganga at parang wala sa sarili.

Ano ang pakay ni miss Aberdeen sa kanila? Kung si Agnes talaga ang habol niya, bakit lahat ng estudyante ni miss Ab ay ipinasok sa kaniyang illusyon? Bakit pa niya dinamay ang mga inosenteng estudyante?

"Jesus!" gulat na sigaw ni Aggy nang may makasalubong siyang lalake na paika-ika kung maglakad na parang napilayan. The man growled na parang hindi marunong magsalita.

At sa pagharap ng lalake, napaatras si Aggy sa itsura ng lalake. 

Kulay puti ang mga mata nito at halos nabali na ang kaliwang braso. Dumudugo pa ang nabali niyang braso at punong-puno ng putik ang kulay puting T-shirt at shorts.

"Gosh. What are you?"

Hindi siya sinagot at nilagpasan lamang siya. Tsaka lang niya naalala na mga halimaw pala ang nandito. Mga halimaw na gawa ni miss Aberdeen para patayin ang grupo ni Agnes. Kaya, hindi siya sinaktan ng lalake na kabilang din sa mga halimaw ay dahil isa rin siyang halimaw sa loob ng illusyon.

Not literally a monster. Inutusan siyang patayin si Agnes gaya ng mga halimaw sa loob ng illusyon. They were like a puppet controlled by miss Aberdeen.

Nagpatuloy nalang si Aggy sa paghahanap sa grupo na nagkawatak-watak. Lalo na si Agnes na siyang pakay niya dito.

* * *

Agnes


Kadiliman. Wala akong ibang makikita kundi isang kadiliman at ang masangsang na amoy na naaamoy ko. Nakakabara sa ilong at parang gusto ko ng huminga sa preskong hangin at hindi itong mala-dumi ng isang kabayo.

Nagkahiwalay kami ni Miko kanina nang may makasalubong kami na malaking ahas. Mas malaki pa sa tao at kasing taba ng isang malaking VC pipes. Kulay itim at may shadings na pula. 

Nakakatakot at nakakakilabot ang itsura ng malaking ahas.

Tinulak ako kanina ni Miko papunta sa maliit na bangin kaya ako napunta dito. Napakahaba ng bangin na 'to at 'buti ay tubig ang pinakadulo nito. 

Habang naglalakad ako at pinapalaki ang mga mata ko para maaninag ang daan, bigla akong may naapakan na parang malambot. Bigla pa itong tumunog kaya napatalon ako at napaupo sa sahig tsaka umatras-atras.

Hindi ko masisiguro kung ano 'yung naapakan ko. Baka mamaya, isang halimaw na naman ang haharap sa 'kin.

Pero iba ang inaasahan kong boses na mala-halimaw. Napa-aw pa siya na parang nasaktan sa pagapak ko sa kung anong parte ng katawan ko siya naapakan.

"Sino ka?" tanong ko habang nakaupo pa rin sa sahig na medyo basa. Hindi ko alam kung anong lugar 'tong napuntahan ko na medyo mabaho. 

"Agnes?"

Kumunot ang noo ko. "Sino ka?" ulit ko.

"Agnes, ako 'to! Si Hazel!" 

Natigilan ako at nanlaki ang mata kahit na kanina pa 'to lumalaki dahil sa kadiliman. Kinapa-kapa ko ang paligid at may nahawakan akong buhok kaya marahan ko 'tong hinila at niyakap ng mahigpit si Hazel.

Dinig na dinig ko ang hikbi niya. Para siyang nasasaktan na natatakot. I don't know why pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

"Shh, Hazel. Paano ka napunta dito?" hinihimas ko ang likod niya at nanatiling nakayakap sa kaniya. 

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon