41.

820 29 3
                                    

Little Agnes.

Tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan habang ang mga nakapalibot sa 'kin ay patuloy sa pakikipagkwentuhan at pakikipagtawanan. I should be happy that we gathered all: Caleb, Chris, Joseph, Francis, Jenny, Selena at Hazel. Nakisali din sa amin si Miko, bagay na ikinagulat naming lahat dahil bigla nalang siyang sumulpot sa grupo namin.

Kahit na tapos na ang aming group activity, hindi pa rin bumabalik sa dati ang mga upuan. We are still forming a circle, ang gulo ng classroom.

"Agnes, ayos ka lang ba talaga?" tanong sa 'kin ni Hazel nang mapansin ang pananahimik ko.

Kanina pa ako nakabalik dito sa loob ng classroom matapos kong masaksihan ang paglaho nina Rhen at Andrea. Nang dahil sa sinabi ni Andrea ay hindi ko na naman maiwasang isipin ang sinabi sa akin ni Miss Aberdeen sa harap ng Cathedral Church.

"Agatha, find the link. I'll be waiting for you.."

Napapikit ako at halos maiyak dahil sa sakit ng ulo ko. Bigla nalang itong sumakit na parang pinukpok ng martilyo, parang binibiyak. Sumisinghap ako pero nanatili akong nakaupo at hindi nagpapakita ng kahit na anong sakit para hindi nila ako mapansin.

"Agatha."

Paulit-ulit na may tumatawag sa 'kin na Agatha. Para itong sirang plaka. Malamig ngunit may halong emosyon ang boses. Imbes na kilabutan, wala akong ibang naramdaman kundi ang paninikip ng dibdib ko.

Napapikit ako sa huling pagkakataon at ang sumunod na nangyari ay 'tila ba may pumasok na memorya sa isipan ko. Para akong nalulunod at hindi na magawang makaahon pa. Sinubukan kong suminghap at imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. 'Tila may pumipigil nito.

"Hi nana! Magandang umaga po!" I found myself standing in front of a young girl. Ang batang babaeng minsan ko ng nakita sa loob ng illusion.

"Magandang umaga din sa 'yo, Aggy. Samahan mo muna si Angel sa sala."

Napalingon ako sa likod at nakita ang nakatalikod na babae habang may hinihiwang gulay. I'm inside a familiar kitchen. And the girl in front of me is.. familiar.

Napangiti ako nang makalanghap na pamilyar na bango. Mild floral smell. Nakakagaan sa pakiramdam. Ang sarap amoy amuyin araw-araw.

Nang idilat ko ang mga mata ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo patungo sa sala. Para akong excited na excited dahil nakataas pa ang dalawang kamay sa ere at nakangiti ng malapad ang labi.

"Huli ka Anghel!" hinawakan ng maliit kong kamay ang balikat ng isa pang batang babae--si Angel.

We both giggled and teased each other habang nakaandar ang cartoon movie sa screen.

"Oh, tama na 'yang asaran mga anak. Tara kumain na tayo."

Nagkatinginan kami ni Anghel sabay ngisi sa isa't-isa. Kumaripas agad kami ng takbo papuntang sala at nagunahan sa kung saan kami uupo. Apat na upuan lang  kaya maguunahan kami kung saan kami uupo. 

"Mga anak naman, apat lang 'yang upuan pero maguunahan pa din kayo hanggang ngayon? Apat lang ang upuan at apat lang tayo kaya makakatabi niyo kaming dalawa ng nana niyo."

Nilingon ko si dada at ngumiti ng malapad. I'm a kid pa kaya nagsu-sway ang paa ko sa ilalim ng upuan. Sana mabilis akong lumaki at maapakan ko na ang sahig. Tsaka sana stay small lang si Anghel ko para hindi na niya ako maabot. Hihi.

"Dada! Off to work ka na naman?" nakangiting tanong ko kay dada.

"Oo naman. Kung hindi ako mag-work, hindi ko kayo mabibilhan ng laruan ni Angel."

Mystique PuppeteerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora