35.

819 38 9
                                    

Badboy's back.

Third Person

Ang lakas ng ulan. Hindi makakatulog si Chris dahil sa kulog at kidlat. Pilit man niyang matulog habang nakikinig sa paborito niyang music, hindi pa rin. Mas malakas pa din ang kulog sa pinapatugtog niya. Hindi pa rin siya sanay sa kulog.

"Kailan ka ba titigil, ha?!" inis na umupo si Chris at sumandal na lamang sa headboard ng kama niya.

Kinuha niya ang mp3 niya at tinigil ang pinapatugtog. Padabog siyang tumayo at lumapit sa kaniyang cabinet. Binuksan niya ang pinto nito at kinapa-kapa ang pinakaitaas na bahagi ng cabinet.

"Ayun," napangiti si Chris nang makapa niya ang pabilog na metallic--ang kaniyang palaging suot na locket.

Ang design ng kaniyang locket ay vintage style na may crescent moon sa gitna at tatlong bituin. It's a gift from his mom na matagal ng wala. Dead, gano'n.

Kung bubuksan mo naman ang kaniyang locket ay bubungad nito ang litrato ng mag-ina. Ang ten years old na Chris kasama ang kaniyang ina. Nakangiti silang dalawa na animo'y ang saya-saya nila nang kunan sila ng litrato.

"I missed you, mom."

Sinuot niya ang kaniyang locket na hinding-hindi humihiwalay sa kaniya at hinalikan ito. Itinago niya ito sa loob ng kaniyang T-shirt at muling humarap sa cabinet. May kinapa-kapa ulit siya sa loob at nilabas ang kulay pulang jacket na may hood.

Napagpasyahan niya kasing pumunta muna sa convenience store. Doon muna siya magpalipas ng gabi hanggang sa tumigil ang pinaka-ayaw niya. Ang kulog at kidlat.

Tumakbo siya palabas ng kwarto at sinuot ang hood ng kaniyang jacket.

"Oh, Chris, saan ka naman pupunta? Bumabagyo pa, oh."

Nakita niya ang kaniyang stepmom na naka-pantulog na at may hawak-hawak na mug. Probably she's drinking her favorite, coffee.

"Sa usual, tita," sagot ni Chris. 

Hindi kasi siya komportable na tawaging mom o mama ang kaniyang stepmom. Isa lang kasi ang tumatak sa isip niya. He only had one mom and that was a long time ago. Kahit six years na ang lumipas, hinding-hindi pa din niya kinalilimutan ang kaniyang pinakamamahal na ina.

The picture in his locket was their last picture. Kung na-inform lang talaga sana siya, sana sinulit na nila ang huling araw kasama ang kaniyang ina. Because after their last bonding, on the way to his mom's work, nagkaroon ito ng aksidente.

His mom died in a car accident. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na 'yon. Kung kailan 'yon. Iyak siya ng iyak noon sa pagkawala ng kaniyang ina. Ilang araw siya noong walang pinapansin at kada-gabi, umiiyak siya mag-isa sa kwarto niya.

Papalabas na sana si Chris sa bahay nila nang bigla niyang maalala ang kaniyang naiwang cellphone sa kama niya. Napamura siya ng mahina at bumalik sa loob.

Nang makapasok siya ulit sa kaniyang kwarto, kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan ito. He then saw a new unread message.

From: SH-Rhen Lee

It is a lonely feeling when someone you care about becomes a stranger. //GM  

Natigilan siya, "First time mag-GM 'tong si Rhen, ah."

Napailing-iling nalang siya at pinasok ang kaniyang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket.

* * *

"O--Oy! Selena naman, eh!" 

Sa bahay naman ng Heather, nasa isang sulok ng kwarto si Jenny habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Magkausap sila ni Selena sa telepono sa gitna ng malakas na ulan na patuloy na umaagos mula sa labas.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now