epilogue

1.5K 63 17
                                    

Agnes


Month of December, napakabusy ng mga tao. Lalo na't magpapasko. Mga ninang at ninong ay nagtatago na, may ilan namang handang magbigay sa kanilang inaanak. Christmas parties sa iba't ibang lugar.

Christmas is the season for kindling the fire of hospitality. Bigayan dito, bigayan doon. It is a season of love in the whole world. And by speaking Christmas, I felt sad. 

Noon kasi kada-pasko, kaming pamilya Flores ay may maliit na selebrasyon para sa sarili naming pamilya. We may be rich, but we don't do big celebrations. Hindi gusto 'yon ni dada at gusto niyang simple lang.

Baka sa kaniya ako nagmana. Mahilig sa mga simple.

Habang sinasabit ang mga Christmas balls sa Christmas tree, tumutugtog naman ang kantang pampasko. Whenever I heard songs about Christmas, giniginaw ako. Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito pero giniginaw talaga ako.

We're decorating the house. The five of us; Tito Chase, Andrea, Kuya Rhen, Miko at ako. Hindi naman pwedeng ibaon nalang sa lungkot ang nangyari last month. It's Christmas and it is time to move on. Time for happiness. 

"Wait, should we choose white Christmas outside? Kasi dito sa loob pulos green at red nakikita ko, eh."

Natigil ako sa pagsasabit ng mga bola at napatingin kay Andrea. Kahapon pa siya nagrereklamo na dapat white Christmas daw ang pipiliin namin noong bumibili pa lang kami ng mga decorations. 

Pero dahil gusto ko yung tradisyon namin, I chose the other theme. Ang red and green na mga kulay dahil ito naman palagi ang gusto ni nana at dada.

Huminto ako sa pagsasabit ng bola at humarap kay Andrea. Nilibot ko ang paningin ko.

May mga decorations na mula sa first floor hanggang sa second floor. Mula sa sahig hanggang sa kisame. Kumpletong kumpleto. Pati kusina nilagyan namin. Yung sa mga banyo, sa pinto lang namin sinabit ang wreath.

"Pwede naman, Andrea. Pero diba mas maganda kapag uniform tingnan?"

Tumango-tango naman siya sabay sabing, "Sabagay."

Ngiting-ngiti namang lumapit sa kaniya si Tito Chase na may hawak na tinsel. Gamit ang malayang kamay ni tito, ginulo niya ang buhok ni Andrea kaya napasimangot ito't napatadyak.

"Daddy naman, eh! Kasusuklay ko lang kanina, myghad!"

Nagtawanan kaming lahat, including Kuya Rhen at Miko.

Muli kaming bumalik sa aming ginagawa para matapos na ang lahat ng 'to. 

* * *

Malakas ang ihip ng hangin nang pumunta ako sa bakuran, bandang alas-onse na ng gabi. I couldn't sleep. Kahit anong pilit kong matulog ay di ko magawa.

Something's bothering me. Something's missing.

Nakaupo lang ako ngayon sa tapat ng lapida ni Angel. Nakaukit doon ang kaniyang buong pangalan at birth and death year. Nakakalungkot. Limang taong gulang pa lang si Angel pero binawi na ang kaniyang buhay.

Hindi niya naranasan ang mabuhay nang matagal. Ang makasalamuha ang mga tao. Ang magkaroon ng marami pang mga kaibigan. Ang magkaroon ng sariling pamilya balang araw.

Tumingala ako. Ang itim ng ulap, halatang uulan nang malakas. Days nalang at pasko na. Mabibilang mo na sa kamay mo. May dekorasyon na ang bahay, katatapos lang ang aming Christmas party two days ago.

But still, I felt empty. Hindi dahil hindi ko na makakasama ang pamilya ko sa mahahalagang okasyon. Kundi dahil may kulang.

The Trio Buddies.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now