32.

766 36 5
                                    

Back and replace.

"Agnes? Agnes.."

Bago pumikit ang sarili kong mga mata, isang puting liwanag ang sumalubong sa 'kin. Ramdam ko ang sunod-sunod na paghinga ko at ang tibok ng puso ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid. May malakas na musika galing sa labas, ang tunog ng electric fan at ang--wait, nasaan ako?

"Agnes, gising na may pasok ka pa!" 

Tuluyan na akong napadilat at napaupo sa kinahihigaan ko. Taas-baba ang dibdib ko sa sunod-sunod na paghinga ng malalim na 'tila galing ako sa tubig at matagal na hindi nakahinga.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng pamilyar na kwarto. Ang kabinet na may poster pa ng paborito kong banda, ang dingding na punong-puno ng posters sa mga iniidolo ko. May maliit na bookshelf na may maraming libro na hindi well-arranged dahil ang gulo ko talaga when it comes to books.

I'm inside my room. 

I'm freaking inside my own room. Nasa gilid si mama habang inaayos ang basket na may lamang lalabhing damit.

Kinapa-kapa ko ang sarili ko, chine-check kung talagang totoo 'to. Kung hindi 'to panaginip. I even pinched my face at napa-aray ako sa sakit.

"Oh, Agnes. Ano pang ginagawa mo diyan? Maligo ka na at male-late ka na!"

* * *

Hindi ko magawang isipin na nandito ako sa bahay, kasama si mama, papa at kuya Joel. Nakatunganga lang ako sa hapag habang sila ay nakaka-round two na. 

I am now wearing the Sacred High's uniform. Nakasabit na ang ID ko, ready na ang bag ko. Pero hindi ko talaga magawang maisip na nandito na ako kasama ang pamilya ko.

What happened after that incident? Binaril lang naman ako ni Hazel tapos pagmulat ng mga mata ko, nandito na ako. Buhay na buhay. I can even feel my heartbeat. Pati na din ang paghinga ko.

I am completely alive and kicking.

"Lutang utak ni Agnes, ma. Nagka-boypren na siguro."

Napatingin ako kay kuya na ngising-ngisi. I tried reading his thoughts kung may alam ba siya. Pero parang wala. Anak ng unggoy, ano ba talagang nangyari? 

Bakit parang walang maalala si kuya? Bakit buhay na buhay siya kahit na sa harap ko pa mismo siya binaril? 

"Nagkaboyfriend? Agnes, totoo ba?" halos mapatalon ako nang mapatingin sa 'kin si papa na magkasalubong ang kilay.

Umiling-iling ako at hinawakan ang kutsara't tinidor para magsimula ng kumain. Actually, wala akong ganang kumain ngayon dahil sa mga nangyayari. 

"U--Una na po ako," dali-dali akong tumayo matapos kong sumubo ng isang kutsarang kanin at ulam. Nanginginig pa ang tuhod ko pero wala akong pake, kinuha ko yung bag ko sa sala at lumabas ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni papa sa 'kin. Sabay kasi kami palaging maglalakad since walking distance lang ang opisina niya at ang skwelahan na pinapasukan ko. But now, sheet. 'Di ko na alam kung ano ang nangyari sa 'kin.

Para bang ayokong may kasama ako. Gusto kong mapagisa. Gusto kong mag-isip mag-isa.

"Good morning!" bati ng gwardiya kaya napaatras ako. Ang laki ng ngiti niya. Abot tainga. 

Papaanong nagbalik na siya sa sarili niya? Oh, geez. Don't tell me na nagbalik na nga ako dito sa reyalidad?

"G--Good morning din, kuya," napayuko ako at dali-daling pinakita ang ID bago ako pumasok sa loob ng Sacred High.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now