34

830 35 14
                                    

A?

Sa mga sumunod na araw, nakapag-moved-on na ako sa mga nangyayari. Yung tungkol sa mga bagong class officers, yung tungkol sa mga natanggap kong maliit na rectangular na card na may A at G na letter.

Pero yung tungkol sa pagbalik ng panahon na 'tila nakapasok ako sa time machine, hinding-hindi ko talaga mahanap ang mga parang puzzle pieces kung paano ako nakabalik ng isang buwan. Tsaka sa mga naging kaibigan ko sa loob ng illusion, hindi ko rin mahanap ang dahilan kung ba't nila ako nakalimutan.

Did they drank something? O, may nakain na may lason at nakalimutan nila ako? Hindi ko pa din alam kung alin sa dalawa na 'yan.

"Hey, 'Nes! Tulaley ka na naman diyan?" 

Kasama ko ngayon si Hazel sa cafeteria. It's been five days since we came back alive. Pero ang pinagkaiba, hindi na namin kilala ang isa't-isa. I still haven't got the opportunity to talk to Caleb dahil sa mga nagdaang araw, palaging nakadikit si Andrea Andi Bonifacio sa lalakeng gusto kong makausap.

And oh, speaking of that girly girl, nakita ko siyang ngiting-ngiti na rumampa sa loob ng cafeteria na para bang ang saya-saya niya ngayon araw.

Dahil ba siya ang nanalo bilang school's VP? Kahapon lang kasi ang election at hindi na ako nag-abala pa na alamin kung sino ang mga nanalo sa mga kandidato.

"Oh, hello, Agnes!" napatingin siya sa 'kin at hinding-hindi mawala ang kaniyang malapad na ngiti. I smiled back.

Ba't ba ang saya ng babaeng 'to?

"Hey," nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

Akala ko kung saan siya pupunta pero tumabi lang pala siya sa tabi ni Hazel na nasa harap ko nakaupo.

Medyo lumapit siya ng kaunti na para bang may ibubulong sa 'kin.

"Agnes, lapit ka dali!" she sounds excited. Lumapit din ako ng kaunti sa kaniya habang binababa ko yung burger na binili ko. "Caleb's starting to fall for me, kyaaaaa!"

Nabingi ako sa pagtili niya kaya agad akong lumayo at napangiwi. I even laughed and then congratulated him. Oo, matagal na raw niyang gusto si Caleb. Sa mga nagdaang araw kasi, palagi siyang dumidikit sa akin na animo'y mag-bestfriends kami. Sinabi niya sa 'kin ang tungkol sa feelings niya.

Nagseselos na nga si Hazel dahil minsan kapag break time, si Andrea ang kasama ko kapag lumabas. Hindi din naman ako makaangal sa biglang paghila sa 'kin ni Andrea dahil nililibre niya ako paminsan-minsan.

"Sa susunod niyan liligawan ka na niya," ngiting-ngiti pa ako sa kaniya but deep inside me, I'm broken. Nabibiyak ang puso ko at parang dinurog ito into pieces. Ang sakit-sakit sa dibdib lalo na't mas lalo ko pang pinagtulakan si Andi kay Caleb.

Naalala ko pa. May sinabi siya sa 'kin noon. She said, "Agnes! Tulungan mo naman ako na ma-inlove sa 'kin si Caleb, please?"

And then I replied, "Of course! What are friends are for, 'di ba?"

Friends? I have them. But they don't know me. Hindi nila ako maalala at ang mga pinagsamahan namin.

Para nga akong tanga, eh. Imbes na tatanggihan si Andi para hindi siya masiyadong mapalapit kay Caleb, pinagtulakan ko pa siya. Tanga na ba ako?

"Siya nga pala, Agnes. Ako na ang VP sa Sacred High!" tumili-tili pa siya, making Hazel and I smile in awkward. Nakatingin na kasi sa 'min ang mga nandito sa cafeteria.

"Congrats," sabay naming sabi ni Hazel. 

* * *

Nakabalik na kaming tatlo sa classroom. Umupo na kami sa aming mga upuan at naghihintay na dumating ang guro namin. 

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon