5.

2K 80 53
                                    

Serve the queen.

IDINILAT KO ang mata ko at dahan-dahan na tumayo. Ginala ko ang paningin ko sa paligid para malaman kung nasaan ako.

"What the—" 

Napatingin agad ako sa kamay kong hindi ko maigalaw. Holy cheese, ba't may kadena ang kamay at paa ko? 

Tumayo ako at tiningnan ang kabuuan ng silid na 'to. Ang dumi ng paligid. May metallic door, isang upuan at lamesa tapos may isang bumbilya na nagsisilbing ilaw sa silid. Pero kahit na may ilaw sa loob, madilim parin ang paligid.

Bumukas ang metallic door at bumungad ang isang taong—wait. Kanina lang, para silang mga higante. At ang lalaki na 'to ay ang katabi kanina ng Red Queen. Don't tell me...

"Gising ka na pala, binibini," nakangising bungad nito sa akin. Napangiwi nalang ako sa itsura niya. Nagto-toothbrush ba siya? Hindi pantay ang ngipin niya at may itim-itim sa bawat ngipin pa.

"Ba't ako nandito?" 'di ko na maiwasan ang hindi magtanong. Kanina lang, nawalan ako ng malay dahil sa sama ng naramdaman ko. Don't tell me na may expiry ang ininom namin ni Caleb? And speaking of Caleb, "Asan ang kasama ko?"

He clapped his hands and laughed evilly. Para bang inaasahan na niya na itatanong ko 'yon. "Nasa labas, naging alagad sa aming reyna."

Reyna? Si Red Queen ba ang tinutukoy niya? It can't be. Alam kong hindi magagawa 'yon ni Caleb dahil una, si Alice ang sadya namin dito. We don't need to serve the queens here kahit na si White Queen pa 'yon.

We need Alice to get us out here.

"At bakit naman ako nandito sa loob ng kulungan na 'to?"

"Para masigurado na sa paggising mo, hindi ka makakagawa ng masama sa 'min lalo na sa aming reyna. Kailangan ka muna naming tanungin kung may intensyon ka sa aming reyna na saktan siya."

I scoffed. Intensyon talaga? Wala naman kaming intensyon dito. We just got here dahil akala namin nandito pa si Alice tulad ng nasa movie.

"No, I'm not." I straighten my back at taas noong humarap sa kaniya. "Gusto kong paglingkuran ang reyna niyo kaya ako nandito."

Pumalakpak siya na tila nasisiyahan sa sinabi ko. "Tama nga ang hinala ko. Isang magandang binibini, maglilingkod sa aming reyna. Malaya ka na."

He unlocked the chain around my body at iginaya sa palabas ng kulungan. Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay naninigarilyo habang naglalakad kami. 

Tansya ko, nasa pinakailalim ito ng palasyo nila. A dungeon.

Maraming mga kulungan ang nadaanan namin at puro iyon mababaho at madumi. May nasisilipan pa akong kwarto na may mga tao sa loob at natutulog. Ang iba naman ay parang alam na nila na may sisilip sa kanila kaya nginisihan ako ng isa sa mga nakakulong dito. Ang iba naman ay parang nababaliw na at sinasaktan ang sarili.

"Ano nga pala ang pangalan mo, binibini?" tanong niya habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo.

"Agnes," maikling sagot ko naman. Nakarating na kami sa hagdanan kaya alam ko na papunta ito sa itaas. It is made of stones. A staircase made of different shape of stones.

"Agnes..." bulong niya habang tumatango. I rolled my eyes at him kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "Isang magandang pangalan para sa isang magandang binibini."

Halos mamula ang mukha ko sa inis dahil sa pagkindat niya. And I remembered, manyakis pala talaga ang right hand ng Red Queen sa pelikula. So I quickly distanced myself from him.

Finally, nakalabas na kami sa dungeon. No one was harmed, no one was harassed. We're heading to the main hall at doon ko nakita ang Red Queen na nakaupo, katabi ang isang pamilyar na lalake na may suot na kulay pulang uniporme gaya ng katabi ko.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now