50.

963 37 0
                                    

New Life.

"Guys, watch out!"

"Hoy Jenny, pakshet ka! Ba't mo kasi hinulog mula diyan sa bintana ang mga gamit?!"

"Move on na, Francis. Kesa sa mag-away na kayo ni Jenny."

"Hazel, pakikuha ng martilyo."

Lahat kami'y busy sa aming ginagawa. Habang nagpipinta ako ng mga furnitures, sila naman ay ang paglilinis ng kahit saang parte ng bahay at pag-aayos sa mga nasirang bahagi.

Nakakatuwa. Matapos ang mga nangyari last month ay heto kami't masayang-masaya na. No more lies. No more secrets. Everyone's happy.

Last month din matapos masira ang malaking bolang kristal ay nagkita-kita kaming lahat Du-aw Park. It's good thing na hindi nila nakalimutan ang mga alaala naming lahat. Masaya and at the same time ay nakakalungkot. 

Nakakalungkot dahil wala na ang mga magulang at kapatid ko. And speaking of kapatid, kinuwento ko kay Miko last month ang mga nalaman ko. Iyak siya nang iyak noon. Sabi niya nakilala lang niya ang tatay niya sa mga litrato but not in person.

Mas nakakalungkot pala ang buhay ni Miko kumpara sakin. At least 'diba sakin dahil nakasama ko sa mahabang panahon ang buong pamilya ko. Miko never experienced having a family bonding together. Even his tita, hindi sila magkasundo.

Namatayan na nga siya ng nanay, namatay pa si dada. Tapos ang tita niya ay kakaiba ang trato sa kaniya. Kaya siya pinatapon dito sa Pilipinas ay dahil ayaw na niyang tumira doon sa States.

"Guys! Sino naman ang maglilinis sa likod?" anunsyo ni Kuya Rhen na duming dumi na kagaya naming lahat.

Tulong tulong kami sa pagpapaganda at pagaayos ulit sa tahanan namin. Ang tahanan ng pamilya Flores.

Actually last week pa sana namin 'to sinimulan. Pero naging sobrang busy kami dahil sa tambak na projects at assignments. Tapos papalapit na ang Christmas party namin kaya napakabusy talaga namin.

At dagdagan mo pa na balik ulit ako sa pagiging class president. Balik na kami sa pagiging class officers. And guess what? Kaklase na namin si Agatha number two at ang dalawa ko pang pinsan. Thanks to Tito Chase, eh.

Agad akong tumayo at tinaas ang kamay ko.

"Ako, Kuya Rhen!" 

Natigil sila sa ginagawa nilang lahat. Nagkatinginan sila at sa isang iglap, nagkagulo bigla.

"No, Agnes. Ako na!"

"Ako na magpiprisinta!"

"Hindi, ako na! May dala na akong walis dito!"

Natawa na lamang ako at naghanap ng iba pang magagawa. I chose to help Hazel to plant some flowers. Nakakatawa kasi ang reaksyon nila kanina nang magprisinta akong maglinis sa bakuran.

Hindi ko naman din sila masisisi. Nandoon ang lapida ni Angel at dada. Baka masaktan na naman ako. Hindi pa kasi ako nasasanay na wala na talaga sila. I couldn't just accept it. 

* * *

Pagkatapos ng klase namin ay dumideretso agad kami sa bahay namin. Tinatapos namin ang pagpapaganda ng bahay para bumalik ang sigla nito. While Tito Chase is out for his work, kami naman ay naglilinis at inaayos ang bahay.

After a week or two, natapos na din namin. Napakabilis ng panahon. My home is already done. Kumikinang sa ganda. Bago na ang gate namin at hindi na iyong kinakalawang. Puno na ulit ng mga magagandang bulaklak at bumalik na ang mga paruparong palaging tumatambay dito.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now