12.

1.3K 64 78
                                    

Once upon a time.

"There is someone.. watching your footsteps.."

Ang sakit-sakit ng buong katawan ko. Pilit kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil parang may kung anong nakaipit sa 'kin.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at inayos ang paningin ko dahil medyo nasisilawan ito sa nagiisang bumbilya na sige sa pagpatay-sindi. Sinubukan kong muli gumalaw pero hindi ko talaga kaya at parang may naka--

"Omygod," napasinghap ako at dali-daling umupo at sumandal sa dingding. Punong-puno ng dugo ang paligid at may nakahiga pa sa may paanan at tyan ko. 

Hindi ko mabilang kung ilan ang nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo. Kahit ako, namantyahan na din ng dugo. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at napapalibutan ng mga taong nakahandusay. 

Sinubukan kong igalaw ang paa ko at mabuti ay nagawa ko. Dali-dali kong tinanggal ang ulo ng taong nakahiga sa tyan ko at tumayo. Nakakakilabot ang itsura ng paligid. Parang dinaan ng terrorist group o 'di kaya ay mga mamamatay tao. Walang puso ang gumawa nito.

Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha nila na halos hindi na makilala dahil parang pinukpok ang mukha nila at sinira. Halos masuka naman ako nang may maappakan akong parang mga laman loob ng tao.

Nilibot ko ang paningin ko. Para akong nasa carnival dahil may roller coaster, stall ng mga games, yung barko na nagsi-swing at marami pang iba. Madilim ang paligid kaya makukulay na lights ang nakikita ko. Bukod sa makukulay na lights, may mga nakahandusay sa kahit saang lugar ng carnival.

Kahit saan ako lilingon, may mga nakahandusay. May isa pang natusok ng mga stick na ewan ko kung saan galing 'yon. The carnival is full of dead people and it is surrounded with red liquids--blood.

"There is someone.. says they love you.."

Nakakatakot na nga yung paligid, idagdag mo pa 'tong theme song ng Final Destination 3  na There is someone walking behind you. Nakakatinding balahibo lalo na kapag ikaw lang isa ang naglalakad-lakad at tanging buhay sa kanila.

Habang naglalakad ako, may nakita akong isang lalake na nakatalikod sa akin. Nabuhayan naman ako ng loob dahil may isa pa palang buhay bukod sa akin. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya at iniiwasan ang mga bituka o mga laman loob ng tao para hindi ko maapakan.

"Excuse me!" tawag ko sa kaniya.

"Here's my heart, in my hand.. turn around, look at me, understand.."

Nakangiti akong naglakad at iniiwasan pa din ang mga laman loob ng mga tao. Kahit na nakakadiri dahil puros patay ang nasa paligid ko, hindi ko pa din maiwasan ang maging masaya dahil may kasama pa ako. May mapagtanungan ako kung bakit at ano ang nangyari sa carnival na 'to.

"Kuya!" tawag ko ulit sa kaniya.

"There is someone.. standing beside you.."

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. Pag-angat ko ng tingin, mabilis na naglaho ang ngiti ko at napalitan ng takot ang nasa mukha ko. 

Para akong nawalan ng lakas nang makita ko ang mukha niya. Wasak-wasak ito at punong-puno ng dugo. Lumingon-lingon ako sa paligid at tanging siya at ako lang ang nakatayo. Oh my God.

"Turn around.. look at me.."

Pati ang damit niyang uniform ng janitor na kulay bluegreen, punong-puno ng dugo. May hawak pa siyang armalite at sa kabilang kamay naman niya ay isang mahaba at matulis na kutsilyo.

"There is someone.."

Hindi kaagad ako nakapagsalita at dahan-dahan na umatras palayo sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ilang ulit akong napaupo dahil sa pag-aatras ko. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit wala akong lakas para gawin 'yon.

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon