11.

1.3K 64 30
                                    

Real and Clones.

I heard a woman crying, calling my name and such. Ramdam ko din ang pagtapik-tapik sa pisngi ko at ang pagyugyog sa akin.

"Tumabi ka muna," I heard a man said. The next thing I knew, someone hold my wrist at parang chineck 'yon. Sunod kong naramdaman ang pagsakit ng dibdib ko dahil sa pag-pump nito. Unti-unti akong nakahinga ng tuwid at umubo-ubo.

Napadilat ako at nakitang tubig pala ang lumabas sa bibig ko. 

"Thank God, you're okay!" may sumugod sa akin ng yakap at parang humahagulgol pa 'to.

"Mabuti at marunong mag-CPR si Caleb," sabi ni Joseph na nakabalik na pala sa kaniyang tunay na anyo. He's not a chameleon anymore, pati na din si Francis.

Lumayo sa akin ang babaeng yumakap sa akin at ngayon ko lang napagtanto na si Hazel pala at umiiyak pa. "Kainis ka, Agnes. Akala ko iiwan mo na kami," humagulgol ulit siya kaya si Joseph na ang nagpatahan dahil wala naman akong alam sa nangyayari.

"Are you okay?" lumapit sa akin si Caleb at hinipo ang leeg ko. Wala naman akong lagnat, amnesia siguro meron. 

"Ano pala ang nangyari?" tanong ko. Dinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga at napayuko.

"You don't know how to swim, right? Sana pala hindi na kita binitawan no'n," para siyang nadismaya dahil sa itsura niya.

Tsaka ko lang naalala ang nangyari. The sky lanterns, hockey mask and their weapons, ang pagtalon namin sa dagat.

Napayuko naman ako at bumuntong hininga. "Sorry. Wala na kasing ibang paraan para hindi makalapit sa atin ang mga serial killers na 'yon."

Hinawakan niya ang baba ko at tinaas 'yon. Kitang-kita ko ang buong mukha niya. Basang-basa ang buhok niya pati na din ang suot niyang damit.

"Ako dapat ang mag-sorry. I'm sorry, Agnes. Sana hindi talaga kita binitawan," yinakap niya ako kaya bumaon ang mukha ko sa dibdib niya. Kahit na basang-basa kami pareho, ramdam ko pa din ang init ng pagyakap niya.

"Come on guys kung ayaw niyong matuyo ang damit niyo," anunsyo ni Selena. 

Inalalayan ako ni Caleb na tumayo. Ngayon ko lang nalaman na nasa baybay na pala kami. Punong-puno ang mga damit at paa namin ng buhangin. Bumabaon din ang paa namin sa buhangin kapag umapak kami dito.

Tiningnan ko muna ang dagat. Napaka-clear nito at parang hindi pa naliliguan dahil sa linis.

"Mabuti at ayos ka lang," tinapik ni Jenny ang balikat ko at ngumiti. Nauna na silang maglakad kaya naiwan kaming nakatayo ni Caleb. Nakakailang dahil hindi man lang siya nagsalita at tinitigan lang ako.

"Caleb, tara?" aya ko. Kakaladkarin ko na sana siya pero hindi ko kaya dahil ang bigat niya. Para siyang nagpapabigat para hindi ko siya makaladkad. "Come on, Caleb."

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat. Yumuko siya ng konti dahil mas matangkad siya sa 'kin. "Just let me hug you first."

Natulala nalang ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Unti-unti naman akong napangiti at yinakap siya pabalik. 'Di bale ng basa kami.

"Ayos ka lang ba, Caleb? Para kang timang," natatawang sabi ko pero hindi ko siya nadinig na tumawa man lang. Kaya, zip my mouth nalang dahil napaka-corny ng joke ko. 

"I'm just happy that you're okay. Akala ko talaga iiwan mo na ako," ramdam kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ang ulo ko matapos niya akong yakapin. "Promise me, Agnes, you won't do it again. Ever."

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now