38.

907 34 12
                                    

Kiss.

Ayoko mang ipagpatuloy ang four days activity namin at manatili sa bahay, wala na akong magawa dahil may maiiwang trabaho ko't walang papalit.

I tried myself to smile at my mom, kahit na alam kong may tinatago siyang sekreto sa 'kin. 

Ayoko mang isipin na ampon ako, na napulot lang ako sa gilid o ano. Alam ko naman na hindi 'yon mangyayari. I'm her child and came from my mother's womb. I'm her daughter.

Alas-nuwebe na ng umaga at may trenta minutos nalang akong naiwan. Ipinagbilin ni mama si kuya Joel na ihatid ako sa school dahil sa mabibigat na bag na dala ko. 

Noong una ay ayaw ni kuya dahil may ginagawa raw siya sa kaniyang kwarto. Dahil alam na ni mama ang mga kalokohan ni mama't baka nanood raw 'yon ng cencored, napilitan nalang si kuya na siya nalang ang maghatid sa 'kin.

Para akong tinraydor sa sarili kong ina. Akala ko kilala ko na siya ng lubos. Akala ko alam ko na ang mga sekreto niya. Akala ko alam ko na kung ano ang past life ni mama.

"Ma, ano nga po pala ang trabaho mo noon?" 

"Ba't mo naman natanong 'yan?"   

"Assignment kasi namin ma, eh. Bukas na namin i-pass."  

"Anak, ilagay mo nalang na housewife. Wala akong trabaho noon.."  

Pinilig ko nalang ang ulo ko para hindi ko na paghihinalaan si mama.

Bago pa kami lumabas ng bahay, niyakap ko si mama at hinalikan sa noo. Gusto kong sa ganitong paraan ko ipakita sa kaniya ang pagmamahal ko. Hindi ko man sasabihin, alam kong ramdam pa din niya ang pagmamahal ko sa kaniya.

And so I am. Ramdam ko ang pagmamahal niya.

Sabay kami ni kuya Joel na naglakad. Dala niya ang backpack ko na may lamang mga damit, isang litrong tubig at isang pack ng biscuits para kapag nagugutom ako, hindi na ako hihingi pa ng pagkain kay Sir Chase.

Kahit naman na sinabi ni Sir Chase kahapon na may snacks din kami on the way sa rest house.

Dala-dala ko naman ang isa pang bag na may lamang mga gadgets ko.

Nasa tapat na kami ng Sacred High, nagpaalam na ako kay kuya at nagpasalamat na din sa paghatid niya sa 'kin dito.

Pumasok na ako at as usual, pinakita ko kay manong guard ang ID at dumeretso sa parking area kung saan natanaw ko ang malaking bus.

Mukhang wala pa ang driver nito at si Sir Chase dahil nasa gilid ng bus ang mga kaklase ko, kaniya-kaniya sila ng payong dahil sa mainit na panahon. 

Kinawayan ako ni Hazel at sumigaw na sa kaniya ako makishare ng payong. Nakangiti ko naman siyang kinawayan pabalik at naglakad patungo sa kaniya.

Pero bago pa ako makalapit kay Hazel, nahagip ng mata ko ang babaeng may matingkad na kulay na damit.

She's wearing a maong jump short at nakapanloob naman ang hot pink shirt. Naka-pigtail ang kaniyang buhok at hawak niya ang kaniyang maleta na kulay pink din. Beside her is a man wearing a simple V-neck shirt and denim jeans.

Nasa iisang payong si Caleb at Andrea. Si Caleb ang may hawak ng payong habang si Andrea naman ay nakasabit ang kamay sa katabi niya.

Agad akong umiwas ng tingin at kunyaring hindi sila nakita. Na hindi ko sila napansin.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing mas tatagalan ko pa ang pagtitig sa kanila. They look good together. Para silang couple.

"Someday, kapag nakaalis na tayo dito, magiging totoo na 'tong mga lanterns na 'to. Magkasama pa din tayo."  

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now