49.

819 34 9
                                    

Healing the past.

Agnes

Napadilat ako. Hingal na hingal akong napaupo mula sa kama at agad na napahawak sa may tyan ko.

I--It's nothing. No blood. No wound. No scar. 

Agad akong napatayo at tiningnan ang sarili ko sa repleksyon. Yung buhok ko'y parang dinaanan ng bagyo. Ang itim ng ilalim ng mata ko but I didn't care. Mabilis kong sinuot ang tsinelas ko at dali-daling lumabas ng kwarto.

Sakto pagkalabas ko'y nakita ko si mama na nagmamadaling umakyat dala ang tray ng bimpo at maliit na planggana ng tubig.

"A--Agnes!" ngiting-ngiti siyang lumapit sakin at binaba ang tray. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

"Akala ko kung ano ang nangyari sayo. Ayos lang ba pakiramdam mo, anak? May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" nagaalala siya.

Umiling ako at sinabing ayos lang ako. Napatingin ako sa orasan at nagulat nang makitang alas-dyes na ng umaga.

Bakit gumagalaw ang oras? Akala ko ba kapag nasa loob kami ng illusion ay hindi gumagalaw ang oras?

"Anak, anong nangyari sayo? May sinasabi sakin si Agatha pero hindi ko siya maintindihan. Sabi niya'y pumasok ka sa illusion at--"

"Oo, ma. At ginawa 'yon ng nana ko dahil sa dalawang dahilan. She wanted me to remember who I am and to get revenge."

Muli kong naramdaman ang pagkurot ng dibdib ko. I couldn't breath. Iiyak na naman ako nito sa harap ng mama ko.

"She's bad in your own eyes pero para sakin, hindi. She's seeking revenge kaya niya 'yon ginagawa. Ayaw niyang mahuli siya kaya gumagawa siya ng paraan.."

Napahagulgol na lamang ako habang inaalala ang bawat katagang binitawan ni nana at ni Angel. They're the only family I have. But they left me behind.

Akmang hahawakan ako ni mama pero agad akong lumayo. 

"A--Anak, baliw ang nanay mo. She's killing innocent children!"

"Because that is her way to find the people behind her parent's death!" bulyaw ko pabalik sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

Agad akong napalunok. Gulat na gulat din dahil sa pagsigaw sa kaniya. Napayuko na lamang ako habang tahimik na umiiyak. 

Nakayuko man, nakita kong umatras si mama at pinulot ang tray.

"Nawalan ng malay si Agatha. Dadalhin ko lang 'to sa kwarto niya."

A--Agatha! Si Agatha at Miko!

Nang marinig ko ang sinabi ni mama ay nagtatakbo ako patungo sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahilata na sa kama at payapang natutulog.

Tiningnan ko si mama. 

"Ma, I'm sorry for what I did earlier. Mahal na mahal kita," lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. Pagkatapos ay nagtatakbo palabas ng bahay.

Kinuha ko ang bisekleta at nagmamadaling pumedal para lang makaabot sa bahay. Sa bahay namin ng pamilya Flores.

Liliko na sana ako nang bigla kong nakita si Jenny na nakapantulog pa. Tapos si Francis, Chris, Joseph. 

Agad akong nag-brake at naguguluhang tiningnan sila isa-isa. Hindi lang sila ang nandito sa waiting shed kundi pati din sina Selena, Hazel at Caleb.

What in the world.

"Agnes! Ayun si Agnes!" turo pa sakin ni Jenny kaya nanlaki ang mga mata ko.

N--Naaalala nila ako?

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon