69 | Tapos

2.2K 11 9
                                    

Our last.

Tapos
By: Caitlin

Sa wakas, tapos na!
Lahat ng lungkot at saya,
Lahat ng paghihirap at ginhawa.
Pwede ng makahinga.

Lahat ng sakit at pasakit,
Nabura bigla sa aking isip
Dahil ito'y tapos na.
Pwede ng magpahinga.

Lahat ng hagulgol at luha,
Wala ng epekto pa
Dahil sa mga sumuporta,
Salamat talaga.

Tapos na ang kalbaryo
Pero alam ko, nagsisimula pa lang ito
Magkita-kita tayo
Sa bagong kwento.

Bagong simula,
Bagong istorya,
Bagong ako,
At bagong siya.

Tapos na ang mga masasayang ala-ala
Pati na rin ang mga pangit na memorya
Isama mo na ang masasakit na salita
Na iiwan na lang natin sa huling pahina.

Hindi magpapaalam
Sa pagkat naniniwalang magkakaroon ng pangalawa
Pangalawang ngiti na may kasamang liham
Pangalawang tyansa para sa ating dalawa.

Pero sa ngayon ay titigil muna,
Pansamantalang magpapahinga
Lahat muna ay pansamantala
Dahil syempre, may pangalawa.

-

Procceed to the writer's page please? :))

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon