35 | Bestfriend

3.7K 26 1
                                    

Bestfriend
By: Caitlin

Pinakamatalik na kaibigan
Hindi na dapat sobrahan
Bawal tanungin ng "pwede bang tayo na lang"?
Dahil masisira ang inyong pagkakaibigan

Bestfriend na laging masasandalan
Sa problema man
At kagipitan
O kahit sa kalokohan

Hanggang doon lang dapat ang inyong tingin sa isa't isa
Bawal sumobra
Hanggang doon lang talaga
Kayong dal'wa

Kinukutya ng marami
Tinatanong ng "kayo na ba?"
Sinasagot ng "di no, kaibigan lang talaga"
Pero ang nasa isip, "sana nga"

Pero bakit naghahangad pa
Ng mas malalim na relasyon
Mas mabuting ganyan na
Kesa ganoon

Ang iba'y tila naiinggit
Ang sarap sabihin na ayaw mong maging bestfriend siya
Dahil nasasaktan ka na
At gusto mo ng mas hihigit pa

Bestfriend lang daw
Pero deep inside, gusto ng maging sila
Syempre bawal pa
Dahil kaibigan lang talaga ang tingin niya

-

Drained na utak ko, sorry kung mej corny. HAHA.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon