42 | Kunwari

1.8K 17 0
                                    

Kunwari
By: Caitlin

Kahit kunwari,
Pwede bang ika'y maging akin?
Kunwari lang naman,
Kahit alam kong masasaktan

Kunwari
Akin ka
Hindi sa kanya
Sana magkatotoo na

Kunwari
Sayo ako
Hindi siya sayo
Ako lang sa puso mo

Kunwari
Merong tayo
Tayong dalawa bawat minuto
Mahal natin ang isa't isa bawat segundo

Kunwari lang,
Sakin ka
Sayo ako
Merong tayo

Kunwari
Atin ang mundo
At tayo lang ang tao
Walang siya

Kunwari
Ikaw at ako
Tayo lamang ang magkasama
At mag kaisa ang puso

Kunwari
Walang kayo
Walang sakit
Walang galit

Kunwari
Walang siya
Tayo lang talagang dalawa
Sana nga ay tayo'y itinadhana

Kunwari
Parehas tayo ng kapalaran
Iisa ang dahilan
Para tayo'y magkaroon ng pagmamahalan

Kunwari
Hindi lang hanggang kunwari
Kunwari totoo
Kahit ang sarili natin ay niloloko

Kunwari
Mahal mo ako
Kunwari
Hindi siya ang mahal mo

-

Parang free verse to. Haha.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon