17 | Wala Na

3.2K 24 0
                                    


Wala na ang pagibig na iningatan
Dinala na ng hangin
Hindi na naabutan
Wala ka na sa akin

Wala na ang ating pagsasamahan
Na labis na pinanghawakan
Ang pagibig na ikaw mismo ang bumura
Sa ating pagitan

Wala na ang kasiyahan
Hindi ko na makita kung saan
Pinuno na ng sakit ang lahat
Ang ating napuntahan

Wala na ang ala-alang pinuno natin
Kasabay ng malakas na hangin
Nilipad ang pagibig mo sa akin
Mahal sabihin mo naman, meron bang nanga-akit?

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon