22 | Storya

2.8K 29 0
                                    


Habang nagsusulat ng kwento,
Ang nasa isip ko'y ikaw at ako
Kahit hindi man lang tayo ang bida,
At least tayo'y may istorya

Hindi malaman
Kung lalagyan ba ito ng masayang wakas
Dahil kapag iyon ang isinulat,
Aasa lang ng wagas

Kung malungkot na dulo
Ang ating mararanasan
Napakalungkot naman ng kwento
Ng ating pagmamalahan

Hindi na alam kung anong dulo ba ang sisimulan
Yung masaya ba o yung malungkot ang kahihinatnan
Dahil gulong gulo na ang aking isipan
Sana nama'y di tayo masaktan

Istorya nating dal'wa
Hindi tayo ang gagawa
Bahala na si tadhana
Kung ano ang magiging wakas ng ating istorya

Ngunit mas maganda kung walang dulo
Parang walang hanggan.
Yung tuloy tuloy lang,
Walang hahadlang.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon