64 | Ala-ala

1.9K 13 1
                                    

Parang ito yung part 2 ng Pikit. :))

-

Ala-ala
By: Caitlin

Ang simula ay napakaganda,
Miski mo ang gitna ng ating istorya
Ngunit ang kwento ay tayo'y inaaliw na lang pala.
Dahil bigla na lang naglaho lahat at natira na lang ang ala-ala.

Habang iniisip kung pano ka nawala sa akin
Kahit masakit ay pipilitin paring alalahanin.
Ang umaakap na hangin
Ang mga ala-ala na para bang nangyari, ngayon lang din.

Kay bilis ng mga pangyayari,
Ang dating napakasayang tagpuan,
Bigla na lang naiwan
Kasama ang mga pusong nasaktan.

Milyong-milyong hi,
Pagmamahalang walang humpay.
Bigla na lang nawalay
Dahil sa nagiisang babye.

Ala-ala na mananatili na lamang ala-ala.
Mga ngiti na ating pinagsaluhan,
Mga bituing ating pinagmasdan,
Ay tuluyan na nating na iwan.

Mga pangakong na pako,
Mga pangarap na natili na lang sa ulap,
Kahit tapos na
Ay bibitbitin parin bilang isang ala-ala.

Kahit nasasaktan bawat oras,
Kukuha parin ng lakas
Sa ating mga naiwang bakas
Galing sa pagmamahalang wagas.

Hindi aalisin sa isipan
Gagawin ang lahat para manatili
Kikipkipin parin ang ala-ala ng pagmamahal.
Kahit hindi na pwedeng mangyari muli.

-

:))

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon