7 | Bituin

7.7K 86 1
                                    

Para kang isang bituin,
Na tinitignan ko lang mula sa malayo
At ako'y nangangarap
Nangangarap na ako'y mapansin mo

Ika'y isang bituin,
Na gugustuhin kong hagkan
Hanggang sa aking pagtulog ng mahimbing
At hanggang sa mapaginipang ika'y naging akin.

Ika'y isang bituin.
Na tila ba kumikinang
Sa tuwing aking tinitignan
Mga matang kumikislap
Sa tuwing ito'y iyong idinidilat

Ako'y iyong pansinin
Sapagkat gusto kong ika'y maging akin
Parang bituin sa kalangitan
Na sobrang hirap abutin

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon