1 | Malabo

22.6K 293 26
                                    



Malabo. Isang salitang binubuo ng anim na letra. Malabo. Isang salitang nagsisilbing larawan para sayo. Malabo. Oo, parang tayo. Malabo.

Malabo dahil walang nakakaalam kung hanggang saan o hanggang dito na lang ba ang ating paguusap. Malabo dahil ka'y gulo ng iyong utak. Malabo.

Ka'y labo na para bang hindi ko na alam ang aking gagawin. Ka'y labo na para bang ako'y nawawala bawat sandali. Ka'y labo dahil minsan oo, minsan hindi. Ka'y labo ng ating samahan. Ka'y labo na para bang hindi ko matukoy kung tayo ba, o parang tayo lang.

Malabo. Ka'y labo ng iyong bawat salita na parang may salitang 'tayo', pero gaya nga ng sabi ko kanina, wala. Pero dahil sayong mga aksyon, ako'y napaniwala mo na meron, pero diba nga, wala?

Malabo. Na para bang isang laro ang ating relasyon. Ika'y bagyo na urong sulong. Na para bang ako'y iyong bangka at ikaw ay yo'ong alon na hindi ko alam kung saan ako ibababa.

Malabo, dahil pakiramdam ko, ako'y nananaginip. Nananaginip na parang gusto ko ng wag gumising.

Malabo. Dahil minsan, ang tamis tamis mong magsalita pero minsan, pinagsasabihan mo akong wag akong umasa.

Diba ang labo? Kasing labo ng bintanang naulanan. 'Sing labo ng matang may diperensya. 'Sing labo ng salaming hiningahan.

Malabo. To the point na gusto ko ng sumuko.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon