15 | Meron Nang Iba

4K 46 0
                                    

Meron ng iba,
Bakit ikaw at siya ang pinana?
Hindi ba't tayong dal'wa ang tinadhana?
Bakit parang nagiba, yata?

Meron ng iba,
Kapalaran nating dalawa
Ay pinaglaruan ni Cupido
Ako ba'y pinaparusahan mo?

Meron ng iba,
Ako'y napalitan na
Na parang wala lang sayo
Ikaw ba ay tuluyan ng sumuko?

Meron ng iba,
Sa lahat ng ating napagdaanan,
Bakit ngayon pa kung kelan madami akong pinoproblema?
Bakit dumagdag ka pa?

Meron ng iba,
Napakadali naman para sayo!
Ano ng nangyari sa ating dal'wa?
Bakit mo ako iniwan dito?

Meron ng iba,
Iniwan mo ako sa ere,
Ni walang paalam,
Ni walang pasabi.

Meron ng iba,
Nagbago ka na.
Nalingat lang sandali,
Bakit ika'y naging malandi?

Meron ng iba,
Pinalitan mo ako kaagad
Ang galing mo naman pala
Sana hindi ka na nakilala

Meron ng iba,
Ako'y nagsisisi
Nagpaloko sayo
At sumagot ng oo

Meron ng iba,
Tila ba nagbago ang panahon
Nawala na nga ang pagmamahal mo,
Pati ba naman respeto?

Meron ng iba,
Sana naman ika'y nagsabi
Para naman ako'y nakapaghanda
At hindi umiiyak ng grabe.

Meron ng iba,
Sige tatanggapin ko na.
Ako'y wala ng mapagpilian
Kundi pakawalan ang aking minamahal.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon