61 | Maaari Bang...?

1.6K 14 1
                                    

Maaari bang..
By: Caitlin

Maaari bang magtanong,
Kung hanggang saan tayo hahantong?
Maaari bang ika'y tanungin,
Kung kelan tayo gigising?

Maaari bang bumangon na sa sakit,
At lumayo na sa pagibig na mapangakit?
Maaari bang umalis muna,
Para makapagpahinga?

Maaari bang ako'y iyong pagibigyan,
Maaari bang bitawan mo na ang kamay kong araw araw mong hinahawakan?
Maaari bang pakawalan,
Ang ating mga pusong napagod na ng lubusan?

Maaari bang sumuko na para naman tapos na?
Ang lahat ng masasakit na ala-ala
At palitan natin ng masaya
Kahit tayo'y hiwalay na.

Maaari bang magkaibigan na lang ulit tayo?
Dahil nandito ako, isinusuko
Ang pagibigan nating inaamag na
Dahil hindi na natin kaya.

Sumuko na lang tayo.
Alam ko namang alam mo
Na parehas lang tayong nasasaktan dito
Dito sa pagiibigang laro.

Pakawalan na natin ang isa't isa.
Hindi naman ibig sabihin ng paghihiwalay
Ay ako'y mawa-wala
Nandito parin naman ako at kaibigan mo na.

Kaya maaari bang humiwalay ka na?
Tiisin mo muna ang sakit na nadarama
Dahil mawawala din yan kapag tayo'y tapos na.
Maaari bang wag mo na akong mahalin pa?

-

Pag nasasakal ka na, bitaw na.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon