6 | Mundo

8.3K 85 5
                                    


Ikaw ang ang sentro ng buhay ko
Ikaw ang naging ilaw ko sa gitna ng dilim
Ikaw ang nagpapasaya sa akin
Ikaw ang nagsisilbing liwanag kapag naidilat na ang aking mga mata

Sayo umiikot and aking mundo
Na tila ba tayo lang ang tao rito
Ikaw ang aking enerhiya
Enerhiya sa tuwing ako'y napapagod na

Pero pakiramdam ko'y ako lang
Ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa
Na ikaw ay tila nagpapagod na pero wag naman sana

Ang liwanag ay naging kulay itim
Ang aking paningin ay nagdilim
Na tila ba'y tumigil ang ikot ng aking mundo
At iniwan mo na si ako

Sana'y ito'y bangungot lamang
Sana nama'y ako'y gisingin niyo na
Sapagkat hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya ang sakit na bumabalot sa aking pagkatao
Gisingin niyo na ako sa masamang panaginip na ito

Pero sa kabilang dako ng aking isipan
Wag na pala. Wag niyo na pala ako gisingin
Dahil unti-unting rumerehistro sa aking isipan na hindi na tama
Na hindi na pala tama na ginagawang mundo ang dapat ay tao lang.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon