10 | 'Kay Tagal Na

5.1K 53 3
                                    



Kay tagal na,
Magmula nung tayo'y nagusap.
Kay tagal na magmula nung tayo'y nagkita,
Ikaw ay laging aking hinahanap.

Kay tagal na,
Para bang ika'y naglaho
At ako'y iyong iniwan
Hindi ka na nagparamdam.

Kay tagal na,
Ako'y nasaktan mo ng sobra,
Wala man lang isang 'babye',
Hindi mawari kung ano ang dahilan.

Kay tagal na,
Nawala ng biglaan,
Sana naman ay dahan dahan,
Sapagkat ako'y nahihirapan,

Kay tagal na,
Simula nung ako'y iyong binati,
Kay tagal na,
Simula nung nawala ka sa aking tabi.

Kay tagal na,
Tila ba ako lamang ay isang lobo
Na iyong binitawan,
Hindi man lang pinagisipan.

Kay tagal,
Di ko alam na matitiis mo pala ako ng matagal...
Kasi ako hindi.
Sapagkat, miss na miss na kita mahal.

Kay tagal na,
Simula nung lumayo ka.
Sa tuwing ika'y kinakausap,
Ako'y hangin na hindi mo pinapansin.

Kay tagal na,
Hindi mo ba talaga ako kakausapin?
Kahit ako'y sulyapan mo lang,
Okay na sa akin.

Kay tagal na,
Mahal, ano na?
Ako'y nagaantay lang ba sa wala?
Tignan mo naman ako sa mata.

Kay tagal na,
Hindi man lang nagpaalam.
Anong nangyari?
Ako'y naguguluhan.

Kay tagal na,
Andyan ka pa ba?
Nakakapit pa ako,
Ikaw rin ba?

Kay tagal na,
Ako'y nandito parin.
Nagaantay lang dito sa tabi,
At inaasam na makita kang muli.

Kay tagal na,
May plano ka pa ba?
May plano ka pa bang balikan ako?
Sana naman ay oo ang sagot mo.

Kay tagal na,
Kahit isang hi mo lang,
Kahit isang seen mo lang,
Magpapatuloy parin ako sa paghihintay.

Kay tagal na,
May bago ka na ba?
Kasi kung meron na,
Ika'y palalayain ko na.

Kay tagal na,
Mahal...
Tandaan mo, ako'y nandito lang
Sana'y balikan mo pa si acoe.
Nandito lang ako para sayo.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon