37 | Saan?

1.5K 12 0
                                    

Dahil feeling ko naliligaw ako, eto na.

-

Saan?
By: Caitlin

Saan tutungo,
Saan pupunta?
Di na alam kung saan lulugar,
O kung may lugar pa ba?

Saan mapupunta
Ang puso kong na liligaw na
Nahihilo at nalilito
Sayo ba ako tutungo?

Saan nararapat
Hindi alam kung dapat
Dapat bang umasa na may patutunguhan?
O dapat ng tumigil sa aking kahibangan?

Saan ba talaga?
Saan ba talaga ang ating punta?
Sa kasinungalingang walang hanggan ba?
O baka naman sa totoo na?

Saan ba kasi?
Ako'y naguguluhan
Kung meron ba talagang tayo?
O ikaw at ako lang ang nandito?

Saan lulugar?
Hindi pwedeng sa puso mo
Dahil kung tutungo pa ako,
Siksikan dahil madami na kami sa iyong puso.

-

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon