63 | Pikit

1.3K 5 1
                                    

Pikit
By: Caitlin

Imbis na imulat ang mga mata,
Ang isip ko ay nagbago na.
Pipikit na lang pala,
Para kahit onti ay mawala ang sakit na nadarama.

Pagdilat pa lang,
Bigla na lang mapapapikit
Inaasahang mawawala sa isip
Ang pagmamahal sayo at ang sakit.

Ngunit ako'y nagkamali
Dahil sa pagdilat ng aking mga mata
Ay hindi ka parin nawawaglit
Ala-ala ng ating mga labi na naglalapit.

Pipikit at hahayaang yakapin ang hangin
Dadapo ang malamig ang hangin sa aking balat
Habang iniisip kung pano ka nawala sa akin
Kahit masakit ay pipilitin parin alalahanin.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon