38 | Sigurado

1.3K 9 0
                                    

Sigurado
By: Caitlin

Panay "akala",
Na susundan ng "yun pala".
Kasi hindi sigurado.
Ano nga ba talaga ang totoo?

Panay "siguro",
Pwede bang sabihin mo na?
Yung galing sa puso.
Yung hinding hindi na magbabago.

Panay "baka"
Gusto ko, yung hindi pangsamantala.
Hindi "baka" ang hinihingi kong sagot.
Kundi ang siguradong poprotekta sakin na para bang mga kumot.

Panay "posible"
Hindi ba pwedeng oo na lang?
Yung wala ng kasunod na "ata"?
Yung hindi ako papaasahin sa wala?

Saan ka na ba "sigurado"?
Ikaw lang kasi ang makakabuo sa araw ko.
Ikaw na lang ang kulang,
Dito sa buhay ko.


-

Kelan next update? Ewan. Haha. Wala namang nagtatanong, lol.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon