27 | Wag Ako

2.9K 31 0
                                    

Wag Ako
By: Caitlin

Kung may lolokohin ka,
Mahal, pakiusap, wag ako.
Ayoko ng masaktan pa
Sapagkat pagod na pagod na akong maloko

Kung may sasabihan ka man ng "mahal kita",
Please lang, wag ako
Ayoko na ng mga salita
At alam ko, hindi uso sa mga lalaki ang gawa

Kung may papaasahin ka,
Pwede wag na lang ako?
Paulit ulit na akong pinaasa
Uulitin mo pa ba?

Kung may kakausapin ka,
Wag na lang ako.
Dahil ngiti mo pa nga lang, hulog na ako
Pano pa kaya pag kinausap mo na ang isang tulad ko?

Kung may hihingan ka ng tulong,
Kingina, wag ako.
Dahil alam kong may kailangan ka lang saakin
At iiwan mo na ako pagkatapos nito.

Kung may gagamitin ka man,
Tangina, wag naman ako.
Mag hanap ka na lang ng kausap.
Ang gulo gulo kasi ng iyong utak

Kung may papakitaan ka man ng motibo,
Nakikiusap ang puso ko na wag ako
Dahil sa huli, ako nanaman ang talo
Ako nanaman ang talo sa larong ito

At kung may mamahalin ka,
Pakiusap, wag ako
Sapagkat ayoko ng masaktan ulit
Lalo na ng dahil lang sayo

-

Tss, mga paasa, labas!

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon