29 | Kung Ako Na Lang Sana

2.3K 16 0
                                    

Kung Ako Na Lang Sana
By: Caitlin

Kung ako na lang kasi ang iyong minahal,
Pasasayahin kita, mahal
Kung bakit ka nag kakaganyan,
Alam kong siya ulit ang dahilan

Sa tuwing luha mo'y tumutulo,
Para bang dinudurog ang aking puso
Kung ako na lang kasi sana
Mamahalin kita ng sobra sobra

Kung ako na lang sana,
Hindi kita sasaktan,
Mamahalin ng lubusan,
Magpakailan man

Kung ako na lang sana,
Hindi ka magkakaganyan
Hindi ka maiiwan
At lalo ng hindi ka masasaktan

Kung ako na lang sana,
Kaso parang huli na
Dahil siya ang iyong pinili
At siya nanaman ang nagwagi.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon