41 | Ballpen

2.5K 23 1
                                    

Dedicated kay kyeoptamochii PaulineAnnLovedioro HAHAHA

Ballpen
By: Caitlin

Aminin na natin
Na meron tayong pinakaiingatan na panulat
Na kahit wala ng tinta,
Itatago at itatago parin talaga

Panulat na kung tawagin din natin ay ballpen
Kahit putol putol na ang tinta
Itatago parin
Na parang may gamit pa sa atin

Kahit hindi na masyadong gumagana
Para ng tanga
Pipilitin paring maisulat
Kahit hindi na dapat

Dapat ng itapon
Pero susundin parin
Ang hangarin
Na mapagana ulit

Kahit malabo ng
Maulit muli
Pipilitin ng pipilitin
Hanggang sa kayanin

Malabo mang mangyari
Parang pagiibigan natin
Pagiibigang kumupas na
Pero susubukang ibangon pa

Ang nakaraan
Kahit pilit mang kalimutan
Gusto paring ibalik
Kahit nakakasakit

Pababalikin
Kahit ang ibig sabihin
Ay ibigay ang mga bitwin
Aking gagawin

Gagawin lahat
Para lang ako'y mahalin muli
Tulad ng kahapon
Gagawin ang lahat para ikaw ay magbalik

Parang tinta ng panulat
Na kahit nawawala-wala
Gagawin ang lahat
Para bumalik ka

-

Free verse poetry lang, HAHAHA. May natutunan na ko sa creative writing. 😂

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon