9 | Patawad

6K 64 8
                                    

Patawad mahal,
Patawad at ika'y aking nasaktan
Patawad sa masasakit na salita
Na aking binitawan

Patawad mahal,
Patawad at ika'y aking iniwan
Ako man ay may dahilan
Patawad mahal, hindi ko sinasadya

Patawad mahal,
Patawad at ika'y aking minahal
Dahil para sayo,
Ang mahalin ka'y isang kasalanan

Patawad sa lahat,
Patawad kung ika'y aking nasaktan
Patawad kung ika'y aking iniwan
Patawad kung ika'y aking minahal.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon