57 | Tama Na

1.5K 12 1
                                    

Tama Na
By: Caitlin

Pitong buwan,
Hindi ka parin malimutan
Dalawang daan at sampung araw na ang nagdaan,
Nasasaktan parin ng lubusan.

Alam ko,
Masaya ka na sa kanya
Pero ang makulit kong puso,
Ay umaasa parin sa iyo.

Pinipigilan ko namang umasa sa tayo
Pero anong magagawa ko?
Kahit kasi nakikita ko kayo,
Nandito parin at naghihintay ako.

Tama na
Sapagkat ayaw ko ng umasa
Ayaw ko ng magbakasakali
Na may patitunguhan pa ang ating istorya

Masyado ng masakit
Hanggang ngayon kasi
Ay umaasa pa din
Sa ating nakaraan na nais kong ibalik

-

Walang rhyme yung last stanza no? WAHAAH sorryyy.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon