11 | Anong Nangyari?

4.6K 41 1
                                    

Mahal, anong nangyari?
Ba't mo ako iniwan,
Iniwan sa kawalan
Ng walang kaalam-alam

Mahal, anong nangyari?
Ako'y nagkulang ba?
Kulang pa ba
Patawad dahil ako'y ubos na ubos na

Mahal, anong nangyari?
Ayaw mo na ba,
Kasi nandyan na siya?
Kasi siya'y mas maganda?

Mahal, anong nangyari?
Puso ko'y nasira
Ng sinabi mong "ayoko na"
Dinurog mo ang aking kaluluwa

Mahal, anong nangyari?
Ano bang kailangan kong baguhin
Para ako'y magustuhan mo
At mahalin din

Mahal, anong nangyari?
Lahat ng pangarap
Lahat ng hinahangad
Ay naging bula na biglang nawala

Mahal, anong nangyari?
Bakit iba na ang iyong mahal?
Dahil ba siya'y angat
At ako'y hibang lamang?

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon