18 | Inspirasyon

5.7K 55 13
                                    

Aking inspirasyon,
Na bumubuo sa araw ko.
Noon at mag pa hanggang ngayon,
Pinapasaya mo ang pusong ito.

Okay lang,
Kahit hanggang doon lamang.
Ang importante'y nagiging inspirasyon,
At hindi negatibo ang dala noon.

Tuwing umaga,
Sa pagdilat ng aking mga mata,
Bawat pag-gising,
Hindi malaman kung bakit nangingiti na lang din.

Inspirasyon sa pagpasok sa eskwelahan,
Pag nakakuha ng mataas sa markahan
Tataas ang dal'wang gilid ng aking labi
At sasabihing "ikaw ang dahilan"

Aking inspirasyon,
Sa pagsusulat ng kwento
Habang iniisip na tayong dalawa ang bida,
Para bang nasa isang k-drama.

Hindi naman umaasa,
Pero gusto kong magkaroon tayo ng sariling storya
Parang gusto kong totohanin na
Pero siguro, hanggang dito lang talaga

Kada gawain na ginagawa,
Inspirasyon ko'y ikaw
Pinagiigihan kahit hindi mo nakikita
Pinagdarasal na sa susunod, kasama na kita.

Bawat ngiti
Na pumoporma sa aking labi
Ikaw ang dahilan
Kung bakit napapangiti ng lubusan

Pagiigihan pa
Ng mabuti
Para ako'y mapansin mo na
Kahit sa gilid lang ng iyong mga mata

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon