12 | Ang Lamig

4.7K 48 0
                                    


Ang lamig mo na
Hindi ko na matansya
Kung ako'y mahal mo pa ba
O baka naman hindi na

Kasabay ng malamig mong boses
Ang pagdapo ng malamig na hangin sa aking balat
Bigla kong kinwestyon ang aking sarili
Ano na nga ba ang nangyayari?

Ako'y nilalamig na
Bat ka ba nagbago bigla?
Kailangan na ata ng mainit na kape
Para sa nagyeyelo mong puso at sa iyong kakaibang pakikitungo

May nagawa bang mali?
Mahal, sabihin mo naman
Ako'y nalilito
Sa nangyayari sa ating mundo

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon