36 | Wag Ka Ng Magparamdam

2.3K 27 4
                                    

Wag Ka Ng Magparamdam
By: Caitlin

Limang buwan na ang nakakalipas
Tila ba malapit ng makalimutan
Kaso bigla ka na namang nagparamdam
Kaya back to zero nanaman.

Ang sitwasyon natin ay parang pasakay na sana ako ng bus
Kaso puno na, kaya ako naiwan
Parang mahuhulog na ako ng building pero may kumapit sa aking kamay
Kaya di natuloy ang pagbagsak

Andun na sana ako,
Kaso nagmaramdam ka pa
Hindi ka naman multo,
Pero bakit ginagawa mo sa akin ito?

Para kang aswang
Na magpaparamdam
Na lang bigla
Pero may kailangan lang pala

Para kang multo
Na susulpot na lang bigla
At magpaparamdam na nandyan siya
Pero iiwan ka din pala

Para kang aswang
Para kang multo
Bakit ka pa nagpaparamdam?
Eh ako'y iiwan mo din naman.

Para kang aswang
Para kang multo
Nagparamdam ka lang
Para takutin ako

Sa tingin mo ba walang epekto?
Bakit parang wala lang sayo?
Alam mo bang kada paramdam mo,
Tumatalon sa saya itong puso ko?

Di ko alam
Kung bakit pa ako nagiging masaya
Dahil ba nagparamdam ka ulit?
O baka naman dahil naramdaman kong may pake ka parin?

Bawat like sa post ko,
Bawat favorite mo ng tweet ko,
Ang puso ko,
Tila ba di napapagod isigaw ang pangalan mo

Kinakabahan
Dahil baka maulit nanaman
Ang sakit na naramdaman
Bat ka pa kasi nagpaparamdam?

Nasaktan mo na ako
Pero sa bawat paramdam mo,
Nagiging masaya ulit ako
At ang sagot sa tanong kung namimiss na ba kita, oo

Pero wag ka ng magparamdam
Please lang
Ayoko na maulit ang nakaraan
Nakaraan na dapat ng kalimutan

-

:(

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon