"'Wag mong takutin si Red, Enzo!" sita niya sa lalaki.

Umismid lamang ito saka sumakay sa kotse. "Get in, Alianna."

"Next time na lang ako, Red. Pakisabi kay Martin, huwag hayaang uminom masyado ang mga member, ha."

"Yes, babe. See you tomorrow."

Akmang hahalikan siya nito sa pisngi nang bumusina nang pagkahaba-haba si Enzo.

Ngumisi lamang si Red saka sinaluduhan si Enzo. Pagkasakay ni Allie sa kotse ay binalingan niya si Enzo. "So, saan tayo?"

"Uuwi na."

Napalabi siya. "Sana pala sumama na lang akong mag-videoke kina Martin."

Hindi kumibo si Enzo. Lalong pinalamlam ni Allie ang mga mata at pilit nilabanan ang tingin ni Enzo. Mayamaya ay marahas nitong hinagod ang buhok.

"Fuck. Where do you want to go?'

"Karaoke?"

"No."

"Oh. Arcade!"

"Allie—"

"Please!"

"Fu—"

"Language, Lawrenzo!"

"Fudging fine."

Natawa si Allie.

Heto, ito ang dahilan kung bakit itatago niya ang nararamdaman niya para kay Enzo. Hindi niya gustong mawala ang mga sandaling ito sa kanya.





"OH, SHIT—"

"Language, Allie."

Gusto mang tingnan ng masama ni Allie si Enzo ay hindi niya magawa. Hindi niya kasi maalis sa screen ang paningin. Nandito sila ni Enzo sa isang game center malapit sa SVU. Naisipan niyang subukang maglaro ng Dance Dance Revolution.

She was being arrogant so she played the difficult stage. Mahirap nga.

"No, no!" Sa sobrang bilis ng paggalaw ng arrow sa screen ay halos tumalon-talon na lamang si Allie sa make-shift dance floor ng naturang laro. "Damn it—"

"Language, Allie."

"Shut up, Lawrenzo!" angil niya sa lalaki. Nang lumabas ang Stage Failed sa screen ay nanlumo si Allie. "Ang ingay mo kasi, Lawrenzo! Natalo tuloy ako!" sisi ni Allie kay Enzo.

Pinagtaasan siya nito ng kilay na tila ba sinasabing, "Ako?"

Napabuga siya ng hangin. Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang palad.

"Isa pa," aniya. Akmang maghuhulog siya ng token nang pigilan siya ni Enzo sa bisig. "Ano?!"

"Uminom ka muna," anito saka siya inabutan ng bottled water.

"Salamat."

Muntik pa niyang maibuga ang iniinom na tubig nang maramdaman ang palad ni Enzo sa noo niya. Pinunasan pala nito ang ilang pawis na natira doon. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

"Namumula ka," walang emosyong anito.

"M-mainit kasi," palusot niya.

"Hn."

Ibinalik niya kay Enzo ang tubig saka muling binalingan ang nilalaro. Pagkahulog ng token ay sinipat niya si Enzo. "Two player tayo," ungot niya rito.

"Fucking no."

"Language, Lawrenzo."

Tiningnan siya nito nang masama.

Nawala lamang sa lalaki ang atensiyon niya nang magsimula ang tugtog. Hindi na difficult stage ang pinili niya. Nasa easy stage siya.

"Ah, sisiw lang," aniya habang tumatalon-talon depende sa arrows na lumalabas sa screen.

Hindi alam ni Allie kung ano ang nangyari. Natapilok siya o nadulas? Basta nakikita na lamang niya ang sariling gumegewang at tila babagsak sa sahig.

Napapikit siya at hinanda ang sarili sa paghalik sa semento.

Hanggang sa isang pares ng bisig ang pumaikot sa baywang niya at inalalayan siya. Dumilat si Allie at halos maduling na siya dahil sobrang lapit ng mukha ni Enzo sa mukha niya. Halos magdikit na ang ilong nila. Isang maling kilos lang niya, mahahalikan na niya ito.

"Are you okay?" he asked.

Tulalang napatango si Allie. Tila ba walang ibang tao sa paligid niya kundi si Enzo lamang; ang haplos nito, ang presensiya nito, ang mga mata nito.

"Good. Please be careful, Allie," anito saka umayos ng tayo. Dahil nakatuntong si Allie sa isang make-shift stage para sa laro, halos magkasingtangkad na sila ni Enzo ngayon. Halos gadangkal lamang ang agwat ng katawan nila.

Ramdam ni Allie ang init na nagmumula sa katawan ni Enzo. All she wanted to do was to be inside his arms again and to feel his warmth.

"Allie..."

"Yes?" wala sa sariling tugon niya.

"You failed again."

Napakurap-kurap si Allie saka binalingan ang screen ng nilalaro niya. Stage Failed.

Namula ang mga pisngi niya lalo pa't si Enzo ang tanging dahilan kung bakit distracted siya. Isa itong malaking distraction.

"Ayoko na nga niyan. Lipat tayo sa iba." Hinawakan niya sa bisig si Enzo at hinatak ito papunta sa ibang laro.

"Allie."

"Hmm?"

"Are you..."

Nang walang marinig na kasunod, mula sa tinitingnan na piso-game ay kunot-noong binalingan ni Allie si Enzo. "Ano 'yon?"

"Are you happy with us?"

Napatayo nang tuwid si Allie saka tinitigan si Enzo nang deretso sa mga mata. Wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito. His guard was up again. Despite it, she felt as if her answer was important to him. But... was that a trace of insecurity she had heard in his voice?

Ginagap ni Allie ang magkabilang palad ni Enzo at pinisil iyon. "Of-fucking-course. I'm happy I'm with you, with your parents. I'm... not lonely anymore."

Hindi kaagad kumibo si Enzo. Nakatitig ito sa kanya na tila ba tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo.

Then slowly, a small smile was present on his lips again. "Good." Then he added, "Language, Allie."

"Alam mo, Lawrenzo, para kang pangalan ko."

"Bakit?"

"Kasi, kapag nawala ka, sino na ako?"

Nakangiting umiling si Enzo at mahinang pinitik ang noo niya. "You'll always be my Cheeseball."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Onde histórias criam vida. Descubra agora