50 | Pagkakaibigan

2K 16 4
                                    

Dedicated kay ate gurl na nagrequest nito ((: (nakalimutan ko na kung sino siya, omg)

Pagkakaibigan
By: Caitlin

Ang ating pagkakaibigan
Napakagandang samahan
Laging kasama sa galaan
Pati na rin sa kwentuhan

Ating tawanan
Kasama ang barkadahan
Hindi maiwan-iwanan
Sapagkat sobra ang kasiyahan

Ngunit lumipas ang panahon
Hindi napansing iba na ang nararamdaman ngayon
Lagi kasi tayong magkasama
Hindi ko napansing ako'y nahuhulog na pala

Dati ay kapag lumalapit ka,
Ako'y kakamustahin mo at a-akbayan pa
Walang malisya nung una,
Pero ngayon ay nahulog na nga

Ngayon naman
Kapag kinakawayan
Ako'y namumula nanaman
Iba talaga kapag ika'y msy naramdaman

Tumitibok ng malakas ang puso
Hindi na kayang lumayo
Gusto kong lagi kang nasa tabi ko
Huwag kang hahanap ng bago!

Ngunit ng ako'y magtapat
Nagbago na ang lahat
Lumayo ang loob
Puso ko'y tumaob

Sorry dahil nasira
Ang pagkakaibigan nating dalawa
Patawad dahil nawala
Ang ating mga tawa

Hindi na kita nakakasama
Dapat ay tinago na lang pala
Ang aking nararamdaman
Para hindi tayo nasaktan

Kahit hindi nauwi sa pagmamahalan
Sana naman ay maulit muli
Ang ating pagkukwentuhan
At pati na rin ang nakakamiss na tawanan

Maaaring nakakatakot balikan
Pero gusto ko sanang ulit ay masimulan
At ibalik ang nakaraan
Pati na rin ang ating pagkakaibigan.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon