49 | Magbago

1.2K 14 4
                                    

Magbago
By: Caitlin

Kailangang magbago,
Para hindi na tayo maloko.
Iba't iba ang klase ng tao.
Hindi natin alam kung sino ba talaga ang totoo.

Magbabago ako,
Hindi para sayo
Magbabago ako,
Para sa sarili ko.

Magbabago ako,
Dahil ako'y nasaktan mo.
Pero hindi sa maling paraan,
Dahil kapag ginawa iyon, mali ang dahilan.

Magbabago,
Para sa ikabubuti nating dal'wa.
Magbabago,
Para hindi na masaktan pa.

Papaiksian ang buhok,
Hindi dahil tapos na.
Papaiksian ang buhok
Kundi para wala ng humadlang pa.

Magbabago ng ayos,
Hindi para ipamukha sayo na tayo'y tapos.
Magbabago ng ayos,
Para matanggal na ang gapos.

Magpapapayat,
Hindi para ipamukha sayo na ako yung sinaktan mo.
Magpapapayat,
Para humanap ng BAGO.

Bago na hindi tulad mo.
Bago na hindi manloloko.
Bago na totoong totoo.
At bago na mamahalin ako.

Magbabago ako para sa sarili ko.
Wag na wag mong aasahan na para sayo.
Magbabago dahil tapos na ang kalbaryong ito.
Magbabago para sa susunod na kwento.

Magbabago dahil bago.
Magbabago dahil kailangan.
Magbabago dahil tapos na ang tayo.
Magbabago dahil ako'y iyong iniwan.

Magbabago dahil hindi ka kawalan
Hinding hindi pagsisisihan
Magbabago dahil marami pang iba dyan
Na hinding hindi ako iiwan

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon