Chapter 22

20 1 1
                                    

Pumayag na si Luis na pumasok sa kumpanya nila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin naipapakilala sina Alexander at Lucas sa lolo at lola nila.

"Magbabaon ka ba?" tanong ko kay Luis habang pinaghahain ko siya ng almusal.

"Hindi na muna. Baka mag-aya na naman si Mommy na kumain sa labas."

"Kumain ka na." ani ko pagkatapos ko siyang ipaghain.

"Kumain ka na rin. Mamaya magigising na 'yung kambal baka hindi ka na makakakain." inabutan niya ako ng plato at saka kutsara at tinidor. Sinandukan niya rin ako ng kanin.

"Salamat," ani ko pagtapos niya ako sandukan ng kanin. "May naitatanong ba sa iyo si tita o si tito?" tanong ko pagkatapos kumuha ng ulam.

"Wala naman, pero sinasabihan na nila ako na doon na lang sa bahay umuwi kaysa dito." napayuko ako sa sinagot niya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko.

"Kailan ba natin sasabihin sa kanila?" seryoso kong tanong.

"Humahanap pa ako ng tyempo." sagot niya. "Isa pa, iniisip din kita." dugtong niya pa kaya napatingin ako sa kanya.

"Ba-bakit ako?"

"Ang alam nila ay girlfriend ka ni kuya." malungkot niyang sagot. "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang nagawa ko."

Ngayon naman ay ang kamay niya ang hinawakan ko. "Matatanggap din nila tayo gaya nang pagtanggap nila sa amin ni Louie." Pagpapalakas ko ng loob niya. "Kumain ka na. Baka ma-late ka pa."

Pinagpatuloy namin ang pagkain at nang matapos ay pinuntahan ni Luis ang kambal para magpaalam. Iniabot ko sa kanya ang bag niya habang papalabas sa kwarto.

"Huwag mo na ako ihatid sa labas. Walang kasama sina Xander at Lucas dito." napanguso na lang ako nang sabihin iyon ni Luis. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan. "Aalis na ako." nakangiti niyang paalam samantalang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. "Wala man lang ba akong goodbye kiss diyan?" kaya naman humakbang pa siya palapit sa akin at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. "I love you, Alexa Jane." at muli niya akong hinalikan.

"I-I-I," nahihiya ako dahil sa pautal-utal kong pagsasalita samantalang si Luis ay lalong lumalawak ang ngiti.

"I?" natatawa niya pang tanong. "Ano, nasaan na 'yung kasunod?"

Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalitang muli. "I love you too." sagot ko.

"I love you more, mahal kong asawa." muli ay nagulat na naman ako dahil sa sinabi niya. "Ang cute talaga ng asawa ko." aniya saka ako niyakap. "Aalis na ako." hinalikan niya pa ako sa noo. "Paalam, asawa ko." hindi nawala ang ngiti niya hanggang sa pag-alis niya.

Hindi mawala sa isip ko ang pagtawag niya sa akin ng asawa ko. Ngayon lang niya ako tinawag nang ganun. Tanging Alexa Jane lang ang tinatawag niya sa akin at siya lang ang tanging tumatawag sa akin nun. Nawala ang pagkatulala ko nang may biglang kumatok. Lumapit ako sa pinto saka binuksan iyon dahil akala ko ay bumalik si Luis. Pero pagbukas ko ay si Louie ang bumungad sa akin at agad siyang pumasok sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dito na muna ako." sagot niya saka umupo sa sofa.

"May pasok ka pa, di ba?"

"Mamaya pa naman 'yun." sagot niya habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Louie," tawag ko sa kanya pero tinapik niya lang ang upuan sa tabi niya. "Louie, umalis ka na."

"Kadarating ko pa lang pinapaalis mo na ako." aniya saka tumayo. "Gising na ba ang kambal?"

"Tulog pa." sagot ko habang sinusundan ko siya papasok sa kwarto.

"Good morning, Lucas." aniya nang makitang humikab si Lucas. "Tulog pa ang kuya mo. Napuyat ata."

"Louie," tawag ko na naman sa kanya.

"Gusto mo na ba magkaroon ng pinsan, Lucas?" tanong ni Louie sa sanggol.

"Louie, ano ba!" medyo napalakas ang boses ko.

Napaharap sa akin si Louie saka hinawakan ang kamay ko. "May masama ba sa sinabi ko?" tanong niya habang nakatingin nang seryoso sa akin.

"Umalis ka na." tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin saka siya tinalikuran.

"Bakit mo ba ako pinapaalis?" tanong niya.

"Baka maabutan ka ni Luis dito."

"Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho na si Luis sa kumpanya namin." sagot niya.

"Paano mo nalaman?"

"Umuwi ako sa amin noong nakaraan." napalunok ako sa sinagot niya. Natahimik ako dahil naalala ko ang problema namin ni Luis. "Gusto mo ba na lumabas muna tayo nila Alexander at Lucas?"

"Hindi." mabilis kong tugon.

"Uuwi naman tayo agad. Hindi ko naman kayo dadalhin sa resort." aniya.

"Kahit na. Dito lang kami ng mga anak ko." sagot ko at niyakap naman ako ni Louie mula sa likod. "Louie," ani ko habang tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

"Paano naman ang magiging anak ko?"

"Marc Louie Sebastian." napangiti siya sa sinabi ko.

"Matagal-tagal na rin na hindi ko narinig 'yan." aniya nang may ngiti sa labi.

"Huwag na huwag mong sasabihin 'yun."

"Ang alin?" patay malisya niyang tanong.

"Huwag ka magkunwari, Louie. Alam mo kung ano ang sinasabi ko."

"Ano ba ang sinasabi mo?" napapikit ako sa inis dahil sa tanong niya. He's tricking me.

"Umalis ka na, pwede?"

"Hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya.

"Pwede ba, Louie. Umalis ka na. Please lang." pakiusap ko.

"Babalik ako bukas." aniya saka ako hinalikan sa pisngi. "Bye, Love." paalam niya bago umalis.

Napasandal na lang ako sa pinto dahil sa problema ko. Parang lalong nagbuhol-buhol ang lahat. Kinakabahan pa ako dahil sa pagsama ko kay Louie sa resort. Lalo ng gugulo ang lahat kung magbunga pa ang ginawa namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag dumating ang panahon na 'yun.

Hanggang sa mga sumunod na araw ay nagpupunta dito si Louie. Lalo na nung wala siyang pasok ay maghapon ko siyang kasama. Madalas siyang mag-aya lumabas pero lagi akong tumatanggi.

"Saglit lang naman tayo."

"Hindi nga pwede."

"Babalik naman tayo agad." pangungulit niya habang karga niya si Lucas. "Ang kj na ata ng mommy niyo ngayon. Baka naglilihi." tiningnan ko naman siya nang masama nang sabihin niya iyon.

"Umalis ka na nga dito."

"Oh, tingnan mo. Nagagalit na siya." natatawa niya pang sinabi. "Guilty ka ba, Love?"

"Tigil-tigilan mo ako, Louie."

"Halata ka masyado, Love."

Kinuha ko sa kanya si Lucas saka siya tinulak papunta sa pinto. "Umalis ka na."

"Love, naman." aniya.

"Umalis ka na. Sinabi ko na sa iyo na huwag mo sasabibin 'yun."

"Sorry na." aniya saka hinawakan ang kamay ko. "Huwag ka na magalit." sabay halik sa kamay ko.

"Umuwi ka na. Baka maabutan ka pa ni Luis dito."

Tumingin muna siya sa relo niya saka tumango. "Bukas uli." umiling naman ako sa sinabi niya. "Bye, Lucas." hinalikan niya si Lucas sa noo at lumapit siya kay Alexander na nasa crib. "Bye, Xander. Magpakabait kayo." at muli siyang lumapit sa akin. "Bye, Love. Kita tayo bukas." sabay halik sa pisngi ko.

ThornUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum