2

27 17 3
                                    

Hindi na ako naka-angal pa kay Luis. Alam kasi ng prof namin na hindi nakikipag-partner si Luis. Mas gugustuhin niya pang magsolo kaysa may ka-partner. Pero dahil boy and girl nga ang dapat na partner ay agad na lumapit sa akin si Luis.

"Kailan natin gagawin ito, Alexa Jane?" tanong niya sa akin habang binabasa ko 'yung nakatoka sa amin na case.

"Kung kailan ka pwede. Ikaw naman kasi itong gala." sagot ko sa kanya kahit alam ko na sa pag-aaral lang siya seryoso. Dahil sila na ni Louie ang magma-manage ng business ng pamilya nila.

"Gusto mo gawin natin mamaya? Pupunta ako sa condo niyo ni Kuya Louie." sagot niya.

Simula kasi nang may nangyaring masama sa apartment na tinitirhan ko noon ay pinatira na ako ni Louie sa condo niya. Three years ko ng boyfriend si Louie. Wala na rin naman akong ibang matirahan dahil simula nang mamatay ang mga magulang ko noong first year college ako ay nagpart time job na ako para may maipangbayad sa renta ng bahay. Ang hirap nga lang ay puro kamalasan ang nangyayari.

Pumapasok ako sa isang fast food chain noon at sa tuwing pauwi ako kapag pang night shift ako ay madalas akong nahohold-up. Minsan ay sinubukan ko pa lumaban ngunit hindi ko kinaya. Ano ba naman ang pera kumpara sa buhay. Pero noong naging boyfriend ko si Louie ay hinahatid niya ako sa apartment tuwing gabi na ang uwi ko. Simula naman noon ay hindi na ako minamalas. Pero isang gabi, habang natutulog ako ay may naririnig akong kumakaluskos at pilit na binubuksan ang pintuan ng kwarto ko. Sa takot ko ay nagtago ako sa ilalim ng kama ko dahil wala naman akong madadaanan palabas. Agad kong dinial ang numero ng pulis sa aming lugar para humingi ng tulong. Kahit ang numero ng barangay tanod ay tinawagan ko na rin. Mahina at ipit ang boses ko dahil baka malaman ng taong nagbubukas ng pinto na may tao sa kwarto. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay nangangatog ang buong katawan ko. Tanging ang paa lang niya ang nakikita ko mula sa pinagtataguan ko. Todo ang panalangin ko na sana ay huwag siyang sumilip sa ilalim ng kama. Naglakad ang magnanakaw sa tapat ng cabinet at binuksan iyon. Nanatili ako sa aking pinagtataguan habang siya ay nahahalungkat sa cabinet. Pinapanalangin ko na sana ay dumating na ang mga hiningan ko ng tulong.

Hindi rin nagtagal ay nagkalat na ang mga damit sa lapag na nakalagay sa cabinet. Naglibot pa ang magnanakaw at naghahanap kung may makukuha siya. Sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko at pinipigilan ko ang paghikbi ko. Nang nakalabas na ang magnanakaw sa kwarto ko ay nakarinig ako ng ingay.

"Sumuko ka na! Nahuli ka na namin." ma-awtoridad na utos ng lalaki. Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Sawakas ay dumating na ang mga hiningan ko ng tulong. Nang madala na ang magnanakaw ay sumama ako sa mga pulis at doon sa police station ko hinintay si Louie. Hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ako at ang lakas ng tibok ng puso ko.

Simula ng gabing iyon ay tumira na ako sa condo ni Louie. Nagkaroon din ako ng trauma kaya hindi ko na kayang bumalik pa roon. Ayaw ko nga magpaabot ng gabi tuwing naghahakot kami ni Louie ng gamit ko.

"Bukas na lang. Wala naman tayong pasok bukas." sagot ko kay Luis.

"Sige, bukas. Pupunta na lang ako doon." aniya saka tumayo. "Bye, Alexa Jane." at iniwan ako. Napakagaling talaga, iniwan niya sa akin yung copy niya ng case.

"Oh, Besty, bakit lumalaki ang butas ng ilong mo?" tanong ni Kacey na maganda ang ngiti. Panigurado magaling ang nakuha nitong kapartner.

"Nilayasan ako ni Luis." sagot ko saka isinilid sa bag ko ang mga copy ng case.

"Hay, lagi kang iniinis ni crush. Sana ako na lang inisin niya." aniya saka umupo sa tabi ko.

"Sino ang naging partner mo?" tanong ko sa kanya para maiba ang topic.

"Si Carl ang partner ko." sagot niya. Kaya naman pala ngiting tagumpay. Ang nangunguna sa klase ang ka-partner niya.

Napawi ang inis ko nang makita ko si Louie na nasa tapat ng pintuan ng classroom namin. Sabay kaming uuwi ngayon dahil parehas kami ng oras ng uwi. Nagpaalam na ako kay Kacey at saka lumapit kay Louie at hinalikan siya sa pisngi.

ThornWhere stories live. Discover now