3

30 17 4
                                    

Naghanda na ako ng almusal habang nagbibihis si Louie. May pasok kasi siya ng Saturday samantalang ako ay wala. Kaya tuwing Saturday ay ako lang mag-isa sa condo. Pero half day lang naman ang pasok niya.

"Pupunta nga pala dito mamaya si Luis. Gagawin namin yung case study." pagpapaalam ko kay Louie.

"Mukhang nandyan na nga siya, e." sagot niya at bigla namang dumating si Luis.

"Good morning, lovers." bati niya sa amin saka inilapag ang mga dalang pagkain sa lamesa.

"Gagawin niyo ba yung case o magpipicnic kayo?" tanong ni Louie nang makita ang dalawang plastic bag na dala ni Luis na puno ng chichirya at kung anu-ano pa.

"Pwede both? Hehe." natatawang sagot ni Luis.

"Tutulungan mo si Alexa, ah? Baka naman kumain ka lang." sabi ni Louie. Umupo naman sa tabi niya si Luis at saka siya inakbayan.

"Don't worry, Kuya. Ako ang bahala kay Alexa Jane. Hindi ko siya papagurin" tataas taas pa ang kilay niya habang sumasagot. Halos mabulunan naman ako sa huling sinabi ni Luis. Ano'ng hindi papagurin? Lechugas siya! Ang dami niyang alam.

"Umayos ka nga, Luis." pagsasaway sa kanya ng kakambal niya pero tinawanan lang siya ni Luis.

"Para namang wala kang tiwala sa akin, Kuya. Tutulungan ko naman si Alexa Jane. Okay na?" tumango naman si Louie at pinagpatuloy ang pagkain.

"Mukha rin kasing pagod si Alexa Jane. Pinagod mo ata, Kuya. Hahaha." napapailing na lang ako sa sinabi ni Luis. Ang sarap batuhin ng plato, sa totoo lang. Para namang hindi naasar si Louie dahil nakangiti pa siya habang nakatingin kay Luis.

"Hindi naman siya mapapagod. Ako naman lahat ang gumawa."  sagot ni Louie na nakapagpatayo sa akin.

"Kayong dalawa!" turo ko sa kanila kaya nakatingin na sila sa akin. "Kung hindi kayo titigil ay lumayas kayo sa harap ko! Inaabala niyo ang pagkain ko!" natahimik silang dalawa.

"Si Kuya kasi." paninisi ni Luis sa kakambal.

"Parehas lang kayo! Kambal talaga kayo." sagot ko at lumapit na sa akin si Louie para paupuin ako.

"Meron ata si Alexa Jane, e. Buti nakahabol..." hindi na nakapagsalita pa si Luis dahil sinubuan siya ng kanin ni Louie. Hay, ang aga-aga nakakapang-init ng ulo ang kambal. Bakit naman kasi pinatulan ni Louie ang kambal niya. Jusko.

"Aalis na ako, Love. Huwag ka na magalit. Habaan mo na lang ang pasensya mo sa kakambal ko." pagpaalam sa akin ni Louie. Tumungo naman ako at saka ko siya niyakap.

"Pacharge muna. Na-stress ako sa inyo kanina." sagot ko at niyakap din ako ni Louie nang mahigpit.

"Sige na, baka ma-late ka pa." sabi ko pagkabitiw ko sa yakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.

"I love you"

"I love you too." sagot ko saka siya sumakay sa kotse niya. Bumalik na ako sa loob para maumpisahan na ang case study namin ni Luis.

"Ang tagal mo naman." reklamo ni Luis habang nanonood ng spongebob sa tv.

"Nagbasa ka na ba? Nanonood ka lang dyan." tanong ko sa kanya. Nakalabas naman na lahat ng gagamitin namin sa sala.

"Ang tagal mo kasi. Hindi naman maliligaw si Kuya Louie pababa." inirapan ko na lang si Luis sa sinabi niya. Hahaba pa ang usapan kapag sumagot ako. Umupo na ako sa katapat niyang upuan saka binuksan ang laptop. In-off naman niya ang tv saka humarap sa akin.

"Baka malusaw ako niyan." napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Hindi ka naman nalulusaw." sagot niya.

ThornDonde viven las historias. Descúbrelo ahora