21

10 1 0
                                    

Lumipas pa ang dalawang araw na magkasama kami ni Louie. Dalawang araw na rin akong hindi makatulog sa dami ng iniisip. Kahit nakapikit ako ay gising ang diwa ko.

Naramdaman ko ang pagkakayakap sa akin ni Louie at ang paghalik niya sa pisngi ko. "Good morning, Love."

Pagbukas ng aking mga mata ay nakita ko si Louie na nakangiti sa akin. "Good morning." bati ko rin sa kanya at saglit niya akong hinalikan sa labi. "Ikaw! Ang aga, ha." reklamo ko.

"Happy anniversary, Love." natigilan ako sa narinig ko. "Tumayo ka na diyan. Lalabas tayo ngayon." aniya saka ako pilit na pinatayo sa kama at yinakap.

"Happy anniversary." bati ko rin sa kanya at saka siya yinakap.

Napabitiw kami sa pagyakap sa isa't isa nang sabihan ko si Louie na mauna ng maligo. Habang naliligo si Louie ay naghahalungkat ako sa bag ng masusuot. Pero natigilan ako sa paghahanap nang makita ko ang cellphone ni Louie na mayroon tumatawag. Naka-silent iyon kaya hindi marinig. Nang kuhain ko iyon ay natapos na ang tawag. Nakita ko sa screen ang humigit sa isang daan na missed call at text. Hindi ko naman mabuksan ang cellphone ni Louie dahil hindi ko alam ang password pero bigla na naman may tumawag at nakita ko ang pangalan ni Luis sa caller id kaya agad ko itong sinagot.

"Kuya Louie." narinig ko ang boses ni Luis na nagmamakaawa. "Hindi ko alam kung saan kayo nagpunta ni Alexa Jane pero kung saan mo man siya dinala ay iuwi mo na siya. Kailangan na kailangan ko siya ngayon, Kuya. May lagnat si Lucas samantalang si Alexander ay tumatamlay na rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kuya." narinig ko pa ang unti-unting pag garalgal ng boses ni Luis. "Maraming salamat, Kuya." at naputol na ang tawag.

"Anong sinabi ni Luis?" napaharap ako kay Louie na tapos na pala maligo.

"Kailangan ko na umuwi, Louie. May sakit ang kambal." malungkot kong tugon.

"Magbihis ka na." aniya. "Uuwi tayo." yinakap ko si Louie at nagpasalamat.

Bago pa kami umalis ay tinawagan ni Louie si Luis para itanong kung saan ospital niya dinala ang kambal.

Pagdating namin sa ospital ay dumiretso na kami kung nasaan sina Luis at ang kambal. Nakita ko si Luis na nakaupo sa tabi ng kama ng kambal.

"Kamusta na sila?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya kaya biglang napatayo si Luis sa kinauupuan niya. "Kailan pa nilalagnat si Lucas?" tanong ko kay Luis.

"Kagabi ay panay na ang iyak niya. Akala ko ay kinakabag lang pero nang hawakan ko siya ay ang init na niya." sagot ni Luis.

"Si Xander?"

"Nung dinala ko sa ospital si Lucas ay masigla pa si Xander. Pero kinaumagahan ay hindi na siya nakikipaglaro sa akin at may sinat na rin siya." naipikit ko ang mga mata ko sa sinagot ni Luis. "Binigyan ako ng reseta ng doktor kaya may pinapainom akong gamot sa kanilang dalawa."

Hinawakan ko ang pisngi ni Lucas at naramdaman ko ang init niya. Sunod kong hinawakan ang pisngi ni Xander at ganun din ang naramdaman ko. "Sorry, Xander at Lucas." hinawakan naman ako ni Luis sa kanang balikat ko.

"Magpagaling na kayo. Nandito na ang mommy niyo." ani Luis kaya napatingin ako sa kanya.

"Sorry." umpisa ko pero nginitian lang ako ni Luis. "Sorry dahil iniwan ko kayo nang hindi nagpapaalam."

"Huwag mo na isipin 'yun." aniya saka muling umupo sa upuan niya. "Ang mahalaga ay kasama ka na namin at tinupad mo ang pangako mo na babalik ka."

Lumipas ang isang araw na nandito pa rin kami sa ospital dahil ino-obserbahan pa si Lucas kung lalagnatin pa ba siya. Si Xander ay mabilis na bumalik ang sigla at nakakalaro na muli namin. Pero hindi mawala sa isip ko si Luis. Pakiramdam ko ay may problema siya dahil napapansin ko na may malalim siyang iniisip.

ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon