10

36 15 4
                                    

"Besty, hindi ka pa rin ba papasok bukas?" tanong sa akin ni Kacey. Nandito na ako sa apartment niya, mga ilang linggo na rin akong nandito. Umiling naman ako habang kumakain ng mangga.

"Gusto ko na nga rin na hindi pumasok, e." napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit naman? Gaya-gaya ka." tanong ko sa kanya.

"Ikaw kaya ang laging habulin ni Luis? Ang hirap magtago, Besty." sagot niya. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay Luis.

"Sorry, Besty." nagpeace sign pa ako sa kanya.

"Naku, ikaw pa ba? Bestfriend kita, e." aniya saka isinukbit ang bag niya. "Papasok na ako. Kumain ka lang diyan."

"Ingat, Besty."

Kacey POV

Tinabihan ako ni Luis habang kumakain ako ng lunch sa cafeteria. Kaya naman binilisan ko ang pagkain ko. Pagkatapos ko kumain ay mabilis akong umalis ng cafeteria pero naabutan ako ni Luis. Ang bilis naman maglakad nito.

"Nasaan si Alexa Jane?"

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na hindi ko alam."

"Talaga ba?" paninigurado niya.

"Talagang talaga."

"Paano kung pumunta ako sa apartment mo ngayon?" natigil ako sa paglalakad nang tanungin niya iyon.

"Edi pumunta ka nang malaman mo na wala siya roon." sagot ko sa kanya at saka siya iniwan. Sino ba naman ang hindi mai-stress sa araw-araw na pangungulit ni Luis sa akin.

Pagkatapos ng klase namin ay hindi muna ako umuwi. Hihintayin ko ang pag-uwi ni Louie para makausap siya. Sana maliwanagan siya sa mga sasabihin ko at sana ay magkabalikan na sila ng bestfriend ko.

"Louie," kinawayan ko pa siya nang hanapin niya kung sino ang tumawag sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Bakit mo ako tinawag?" tanong niya. Shemay naman, hindi ko kayang makipag eye to eye contact sa kanya. Para akong hinihigop ng mga mata niya. Kainis! Si Louie itong kaharap ko, hindi si Luis. Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon pero baka isipin ni Louie na nababaliw na ako. Kaya nginitian ko na lang siya.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ko sa kanya.

"Pauwi na kasi ako, e." sagot niya. Ano ba 'yan? Ayaw niya ba talaga na magkaayos sila ng bestfriend ko?

"Doon na lang tayo mag-usap sa coffee shop malapit sa condo mo. May kailangan lang talaga akong sabihin sa'yo." pagpupumilit ko. Pumayag naman siya at for the first time ay nakasakay ako sa kotse ni Louie. Ang bango at ang linis ng kotse niya. Siya kaya naglilinis nito?

Inabot na sa akin ni Louie ang kape na inorder ko. Nakakahiya talaga, ako nagyaya rito tapos nilibre niya ako. Baka isipin niya ay nagpapalibre lang ako. Very wrong naman ang naisip kong lugar. Dito kasi kami madalas tumambay noon ni Besty tuwing binibisita ko siya. Nahihiya kasi akong pumasok sa condo lalo na kapag nandoon si Louie.

"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" tanong niya. Uminom muna ako ng kape para makabwelo.

"Tungkol kay Besty, kay Alexa." sagot ko. Tumango lang siya at humiwa ng cake niya. Mukhang wala naman siyang balak magsalita kaya uumpisahan ko na.

"Kahit wala na kayo ni Besty ay alam ko naman na may karapatan kang malaman ito. Kahit papano naman ay nag-aalala ka sa kanya, di ba?" tumingin siya sa akin at napalunok ako. Hindi ko talaga kayang salubungin ang tingin niya. Pakiramdam ko kasi siya talaga si Luis, e.

"Kamusta na siya?" napangiti ako nang magtanong siya. Sabi na e, nag-aalala pa rin siya kay Besty.

"Hindi magaling magsinungaling si Besty. Kahit pinapakita niya na okay siya, na masaya siya ay alam kong malungkot siya. Gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak. Napapansin ko na rin ang ilang pagbabago sa kanya." napakunot naman ang noo ni Louie nang marinig ang huli kong sinabi.

"Nitong mga nakaraang araw ay nagiging maselan siya sa mga pagkain. Kakain siya pero kaunti lang dahil lagi niyang dinadaing na nasusuka raw siya. Noong isang araw ay nagrereklamo siya sa pabango na gamit ko. Sa tagal namin magkasama ay ngayon lang siya nagreklamo sa pabango na gamit ko. Masyado raw matapang ang pabango ko, eh simula pa noon ay iyon na ang gamit kong pabango. Mas lalo pa akong nag-alala sa madalas niyang pagbanggit ng iba't ibang pagkain kaya madalas kaming lumalabas para mabili namin iyon."

"Bakit mo sa akin sinasabi ang mga iyan?" tanong ni Louie.

"May karapatan ka rin naman na malaman ang mga ito. Hindi ba sumagi sa isip mo na ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya?" hindi nakasagot si Louie sa tanong ko. Siguro ay naguguluhan siya o baka hindi niya kinaya ang mga nalaman niya? Pero hindi pa kasi nagkakamali sa mga kutob ko.

"Kung gusto mong makausap si Besty ay pwede kang pumunta sa apartment ko. Lagi siyang nandoon dahil hindi na rin naman siya pumapasok." may inabot ako sa kanyang papel kung saan nakasulat ang address ng apartment ko.

"Sana ay magkausap kayo. Mauuna na ako, Louie." tumayo na ako saka nagpaalam kay Louie.

Malapit na ako sa apartment ko nang makita ko ang kotse ni Luis. Nilingon ko pa uli iyon at tinignan ang plate number. Hindi nga ako nagkakamali, kotse nga ni Luis iyon. Tinotoo nga niya ang sinabi ko? Si Besty kaya? Agad akong nagbayad sa taxi driver pagdating.

"Besty!" tawag ko habang binubuksan ang pinto. Kinakabahan na ako dahil hindi naman nilalock ni Besty ang pinto. Nang mabuksan ko ay agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin siya.

"Besty, nasaan ka?" tinignan ko siya sa kusina ngunit wala siya roon. Nagpunta rin ako sa cr ngunit wala rin siya roon. Pagbukas ko nang pintuan ng kwarto ay nakita ko siyang umiiyak habang nakaupo sa sahig.

"Besty, ano'ng nangyari? May ginawa ba sa iyo si Luis? Sabihin mo!" kinakabahan na ako dahil hindi siya tumigil sa pag-iyak. Niyakap niya ako imbes na sumagot.

"Besty, naguguluhan na ako." aniya habang umiiyak.

"Tahan na, Besty. Galing ba si Luis dito?" tumango naman siya bilang sagot. "May ginawa ba siya sa iyo kaya ka umiiyak?" tanong ko uli.

"Besty," aniya at umiyak siya sa balikat ko.

"Ano 'yun, Besty? Sabihin mo sa akin." para naman gumaan gaan ang pakiramdam niya at mawala na ang kaba ko.

"Besty," bumitiw siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." dugtong niya. Pinunasan ko naman ang luha niya at inipit ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Nandito ako, tutulungan kita." sabi ko sa kanya na ikinailing niya.

"Hindi na." sagot niya.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Besty," aniya habang nakatingin nang seryoso sa mga mata ko. Napalunok ako dahil mukhang sasabihin na niya sa akin ang problema niya.

"Buntis ako."

ThornWhere stories live. Discover now