6

21 16 4
                                    

Nakatanggap ako ng text galing kay Louie na susunduin daw ako ni Luis ngayon. Hapon pa kasi ang pasok namin. Samantalang si Louie ay whole day. Okay lang naman sa akin ang magcommute kaso si Louie lang ang makulit na ipasundo ako kay Luis. Pagkatapos kong reply-an si Louie ay nakatanggap naman ako ng tawag kay Luis.

"Susunduin kita ngayon."

"Oo nga, kakabasa ko lang sa text ni Louie. Malapit ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Medyo malapit na. Maaga pa naman kaya huwag ka magmadali." nagpaalam na ako kay Luis dahil maliligo na ako.

Kausap ko kasi si Kacey kanina sa cellphone kaya hindi ko na namalayan ang oras. Tinatanong niya kung nakausap ko na raw ba si Luis. Hay, never say die ata ang motto ng bestfriend ko. Ang tagal din pala namin nag-usap dahil tinadtad na nga ako ng text ni Louie. Panigurado, nag-alala 'yun lalo na nung hindi niya ako matawagan dahil kausap ko si Kacey. Ang hirap naman kapag broken hearted ang bestfriend mo. Pati ikaw nadadamay. Nakabihis na ako nang dumating si Luis.

"Aalis na ba tayo?" tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa sofa. Feel at home talaga siya. Basta-basta na lang pumapasok.

"Oo, tara na." pagyaya ko sa kanya saka ko sinukbit ang bag ko. Tinext ko na rin si Louie para sabihin na papunta na kami ni Luis sa school. Nakagat ko ang labi nang maalala ko ang plano namin ni Kacey. Bahala na, kaya ko 'to. Para sa bestfriend ko.

"Hmm, Luis." saglit akong nilingon ni Luis saka binalik ang tingin sa kalsada.

"Nagkausap na ba kayo ni Kacey?" napapikit ako sa tanong ko at nakahinga nang maluwag. Hay, natanong ko rin. Hindi naman ako sinagot ni Luis at patuloy lang siya sa pagmamaneho.

"Luis, pwede mo ba kausapin si Kacey?" hininto ni Luis ang kotse sa gilid ng kalsada at hinarap ako.

"Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?" bored na tanong ni Luis sa akin. Huminga ako nang malalim para kumuha ng lakas ng loob.

"Luis, minahal ka ni Kacey. Alam mo ba na siya ang babaeng naniniwala na kaya mong magseryoso sa isang relasyon." sagot ko sa kanya. Mahinahon lang naman ang pagkakasabi ko kay Luis kahit medyo nagagalit ako sa kanya.

"Alam mo, Alexa Jane, ang taong mahal ko lang ang seseryosohin ko."  sagot niya sa akin. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"So, hindi mo sineryoso ang bestfriend ko?" inis kong tanong sa kanya.

"Ganun na nga." sagot niya sa akin saka kinuha ang cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak. Tiningnan niya iyon at napangiti siya sa akin saka umiling. In-end na niya 'yung call. Potek, nahuli kami ni Luis.

"Narinig naman niya siguro lahat?" tanong niya saka binuksan ang bintana ng kotse.

"Teka, cellphone ko 'yan." protesta ko nang itatapon niya ang cellphone ko.

"Kaya naman kitang bilhan niyan." sagot niya.

"Kahit na. Akin na 'yung cellphone ko." tutol ko pero hindi niya binalik ang cellphone ko at pinaandar na niya uli ang kotse.

"Hindi mo ba talaga kayang magseryoso sa isang relasyon?" tanong ko, pakiramdam ko naiiyak ako. Shemay, nasasaktan ako para sa bestfriend ko.

"Sinabi ko na sa iyo, di ba?" sagot niya.

"Pero bakit? Kahit isang araw lang ba ay nagawa mong mahalin ang bestfriend ko? Mahirap ba siyang mahalin? Ilang beses na nga kayong lumalabas, di ba? Pumupunta pa nga siya sa condo mo." nailabas ko na lahat ng galit ko kay Luis.

"Mukhang nakwento na pala lahat sa'yo ng bestfriend mo. Bakit mo pa ako tinatanong?"

"Para malaman ko ang side mo." sagot ko sa kanya.

"Luis, mabait naman si Kacey. Maalaga, maunawain at higit sa lahat ay palagi ka niyang pinagtatanggol sa akin." hindi na kumibo si Luis hanggang sa makarating kami sa school. Kainis naman. Pinark na niya ang kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Tinignan ko siya pero sa malayo siya nakatingin.

"Luis," hinabol ko siya dahil iniwan niya ako. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin na may seryosong mukha.

"Wala na kaming dapat pag-usapan ng bestfriend mo. Huwag mo na akong kulitin, Alexa Jane, kung ayaw mong magalit ako sa iyo." iniwan ako ni Luis pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. Napalunok naman ako. Mukhang hanggang doon na lang ako. Mission failed.

"Besty, napakiusapan mo ba si crush?" pabulong na tanong ni Kacey sa akin dahil nagdidiscuss ang prof namin.

"Hindi, e. Sorry, besty." lumungkot naman ang mukha ni Kacey at saka nakinig sa prof namin.

Paglabas namin ni Kacey ng classroom ay nakita ko si Louie na naghihintay kaya nagpaalam na ako kay Kacey. Kahit ayaw ko siyang iwan.

"Kanina ka pa ba, Love?" tanong ko kay Louie pagkalapit ko sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot.

"Nga pala, bakit hindi ka na nagtext uli kanina?" napapikit ako sa tanong ni Louie nang maalala ko na kay Luis ang cellphone ko. Shemay naman.

"Nakalimutan ko kasing kuhanin kay Luis kanina." sagot ko naman.

"Bakit hawak ni Luis ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Louie sa akin habang papunta kami sa kotse. At naikwento ko na kay Louie ang nangyari hanggang sa makauwi kami.

"Hindi mo na dapat sila pinapakialaman." nakayuko ako habang nasa sala kami ni Louie. Niyakap ko naman siya.

"Sorry na, Love. Hindi na mauulit." sabi ko habang yakap siya.

"Problema nila 'yun, okay? Hanggang pakinig at payo lang tayo. Ayaw ko lang na madamay ka sa away nila." tumango naman ako at hinalikan ako ni Louie sa noo.

"Tinext ko na si Luis na ibalik na niya ang cellphone mo." aniya kaya napangiti ako.

"Hindi ka na galit sa akin, ah?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at lalo kong hinigpitan ang pagkakayap sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa labi. Unti-unti akong hinihiga ni Louie sa sofa at nang maihiga niya ako ay bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Ay, potek! Grabe kayo!" mabilis na lumayo sa akin si Louie at napaayos kami ng upo sa biglang pagdating ni Luis. Shemay talaga. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at saka tiningnan ang damit ko kung maayos.

"Bakit hindi ka kasi kumakatok?" inis na tanong ni Louie sa kakambal niya. Nakayuko na lang ako sa hiya.

"Aba, kasalanan ko pa ngayon? Bakit kasi sa sala kayo? Noong nakaraan ay sa kusina, ngayon dito naman. Baka bukas sa hallway ko na kayo makita o di kaya ay sa elevator." binato ko naman si Luis ng unan sa inis. Kung anu-ano kasi pinagsasabi.

"Kasalanan mo!" padabog akong umalis sa sala at nagtungong kwarto. Mahirap na at baka kung ano ang magawa ko kay Luis. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.

ThornWhere stories live. Discover now