Chapter 17

21 4 0
                                    

Nilalaro ko ang kambal habang hinihintay na bumalik si Luis na namili. Naubusan na kasi kami ng stock ng snacks dahil ang takaw ni Luis. Kaya ngayong nagkakayayaan kami na magmovie marathon ay wala kaming makain. May tatlong araw na rin nang lumipat kami ng mga anak ko sa condo unit ni Luis.

"Tahan na. Nandito na si mommy." ani ko saka kinarga si Lucas na umiiyak dahil inaantok na. "Gusto lang pala magpakarga ng baby namin, eh. Tingnan mo si Kuya Xander gusto rin magpakarga." Hinehele ko si Lucas nang may marinig akong magdoorbell. "Andyan na ata ang daddy niyo." lumabas ako sa kwarto para pagbuksan ng pinto si Luis. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Louie na nakangiti.

"Pwede ba bumisita?" tanong ni Louie saka ibinaling ang tingin kay Lucas.

"Oo naman. Pasok ka." pinapasok ko siya at naupo kami sa sala.

"Si Xander? Natutulog ba?" tanong niya.

"Nasa kwarto, inaantok na rin 'yun. Umiiyak kasi si Lucas kaya kinarga ko muna." sagot ko saka kami nagtungo sa kwarto para makita niya si Alexander. Kinuha naman niya si Alexander na humihikab-hikab na sa crib.

"Si Luis nga pala?" tanong niya habang hinehele si Alexander.

"Umalis lang saglit para mamili ng snacks. Magmo-movie marathon kasi kami mamaya." sagot ko.

"Kanina pa ba siya umalis?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.

"Ang takaw kasi ni Luis. Gusto mo sumama ka sa amin manood?" pagyaya ko kay Louie. Inihiga ko na si Lucas sa crib dahil nakapikit na ito. Tinatapik-tapik ko si Lucas nang mapansin ko na nakatingin sa akin si Louie. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko pero umiling siya habang nakangiti.

"Nakakamiss talaga kayo." ani Louie nang maitabi niya si Alexander kay Lucas sa crib.

"Pwede ka naman pumunta dito araw-araw. Floor lang naman ang pagitan natin." tinapik-tapik ko na rin si Alexander para matulog na pero hinawakan ni Louie ang kamay ko.

"Love," nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Louie." Pwede ba tayo mag-usap?"

"Si-sige." nauutal kong sagot. Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto para mag-usap kami sa sala pero pinigilan ako ni Louie saka niyakap.

"I miss you, Love." napalunok ako nang yakapin niya ako.

"Louie," ani ko habang unti-unting lumuluwag ang yakap niya sa akin.

Nang bumitiw siya sa pagkakayakap ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka diretsong tumingin sa mga mata ko. "Love," aniya, tiningnan ko rin siya sa mata at nakita ko ang kalungkutan niya. Pero ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Nakaluhod siya ngayon sa harap ko habang may hawak ng singsing.

"Louie, a-anong ginagawa mo?" naguguluhan kong tanong.

"Will you marry me, Alexa Jane?" halos hindi ko maibuka ang bibig ko para sumagot. Nanatiling nakatingin sa akin si Louie na hinihintay ang sagot ko pero tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya.

"Sorry, Louie, hindi ko na matutupad ang ipinangako ko sa iyo." naluluha kong sagot. Napatayo si Louie at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Bakit, Alexa?" tanong niya na ikinayuko ko.

"'Yung mga bata." sagot ko habang nanatiling nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Louie. Bakit niya pa ginagawa ito?

"Kaya pa rin naman kitang tanggapin kahit may anak na kayo ng kapatid ko. Ganun kita kamahal, Alexa." umiling naman ako sa sinagot niya.

"I'm sorry, Louie. Hindi pwede ang gusto mo." muli ay hinawakan niya sa magkabila kong pisngi at pinatingin sa kanya.

"Bakit hindi pwede? Bakit? Ako naman ang mahal mo, di ba?" iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasabay ng pag-agos ng luha ko sa aking pisngi. "Bakit hindi ka sumagot? Mahal mo na rin ba ang kapatid ko?" tanong niya at marahan akong tumango. Idinikit ni Louie ang noo niya sa noo ko. "Pakasalan mo ako, Alexa. Hindi ko kayang mawala ka sa akin."

"May anak na kami ni Luis kaya hindi na pwede ang gusto mo, Louie." sagot ko. "At mahal ko na rin siya." Napapikit si Louie nang marinig ang sagot ko at tinulak ako sa kama saka pumaibabaw sa akin na ikinagulat ko.

"Kung ito lang din ang tanging paraan para bumalik ka sa akin ay gagawin ko." aniya saka ako marahas na hinalikan sa labi. Nagpupumiglas ako at pilit siyang inilalayo sa akin pero nahawakan niya ang dalawa kong kamay. Sa lakas niya ay hindi ako makalaban sa kanya. Dito na ako nakaramdam nang takot. "Sa ganitong paraan ka nakuha ng kapatid ko. Sa ganitong paraan din kita babawiin, mahal ko." aniya at muli akong hinalikan pababa sa leeg ko.

"Louie, please, 'wag mong gawin 'to." pagmamakaawa ko habang inaangat niya ang pang itaas ko. "Louie," tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko at nanginginig na rin ako sa takot. "Parang awa mo na, Louie." pero hindi niya ako pinakinggan dahil abala siya sa kanyang plano.

"Mahal kita, Alexa. Mahal na mahal." napaigtad ako nang sipsipin niya ang kanang dibdib ko.

"Louie," pinipilit ko siyang ilayo sa akin nang bitiwan niya ang isa kong kamay habang abala siya sa pagsipsip sa dibdib ko ay gumagapang naman ang kamay niya sa pang ibaba ko. "Itigil mo na ito."

"Alexa Jane." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Luis at natigil naman si Louie sa ginagawa niya. Sasagot na sana ako pero tinakpan ni Louie ang bibig ko.

"Huwag ka maingay." bulong niya sa akin. Napailing naman ako habang umiiyak.

"Alexa Jane." tawag na naman sa akin ni Luis pero mas malapit na ang boses niya ngayon. Sabay kaming napatingin ni Louie sa pintuan nang bumukas iyon.

Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko nang makita kami ni Luis sa kama at ang nakakuyom niyang kamao. Mabilis na nakalapit sa amin si Luis at agad niyang itinulak si Louie palayo sa akin saka sinuntok. Inayos ko naman ang damit ko bago awatin ang kambal. Nagkakasagutan sila ng suntok at hinatak ko na papalayo si Luis kay Louie.

"Ang g*g* mo, Kuya Louie!" singhal ni Luis sa kakambal niya nang inilalayo ko siya kay Louie.

"Tama na!" awat ko sa kambal.

"Lumayo ka dito, Alexa Jane." ani Luis nang pumagitna na ako sa kanila.

"Tama na, Louie." ani ko nang mailayo ko sila sa isa't isa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Kuya Louie?" Tanong ni Luis sa kakambal saka ako hinatak papalayo kay Louie. Hahawakan pa sana ako ni Louie pero tinabig ni Luis ang kamay ng kakambal niya.

"Luis, mag-uusap lang kami ni Alexa." pakiusap ni Louie sa kapatid.

"Mag-uusap? Naka-drugs ka ba, Kuya? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kanina, ha?"  nagtakhang sumugod uli si Luis pero napigilan ko siya.

"Tama na, Luis. Kuya mo pa rin siya." pagpakalma ko kay Luis.

"Luis," tawag ni Louie sa kakambal na may garalgal na boses at muli na naman siyang lumuhod. "Nagmanakaawa ako sa iyo, Luis. Ibalik mo na sa akin ang mahal ko." nakagat ko ang labi ko nang makita ko ang pag-agos ng luha ni Louie.

"Tumayo ka diyan, Kuya." ani Luis at saka pinipilit tumayo si Louie pero natigilan si Luis nang hinawakan ni Louie ang kamay niya.

"Alam kong may anak na kayo pero hindi ko talaga kaya, hindi ko kaya na mawala sa akin si Alexa." kumawala ang luhang ikinukubli ko sa nakikita kong pagmamakaawa ni Louie. "Kaya parang awa mo na, Luis. Ibalik mo na sa akin si Alexa."

"Buong buhay ko nagpaparaya ako, Kuya. Alam mo naman na gusto ko rin si Alexa Jane, di ba?" napayuko si Louie at nanatiling nakaluhod sa mga narinig niya. "Gustuhin ko man magparaya uli pero hindi ko na kaya, Kuya. Mahal na rin ako ng taong mahal ko kaya magiging makasarili na ako ngayon." sagot ni Luis kay Louie saka tinanggal ang pagkakahawak sa kanya. "Tumayo ka na diyan, Kuya."

"Ibalik mo na sa akin ang mahal ko, Luis."

"Tama na, Louie. Tumayo ka na diyan." pakiusap ko kay Louie at hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Bumalik ka na sa akin, mahal ko." sinserong pakiusap ni Louie sa akin.

"Umuwi ka na." ang tangi kong nasagot.

Tumayo si Louie mula sa pagkakaluhod nang marinig niya ang isinagot ko. "Siguro, hanggang dito na lang talaga tayo." aniya saka pinunasan ang luha niya. "Paalam, mahal ko." ngumiti siya nang mapait saka umalis.

ThornWhere stories live. Discover now