20

13 1 2
                                    

Nagising ako sa sakit ng ulo at buong katawan ko. Pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko sa tuwing gagalaw ako. Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog. Napaupo ako at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng  sakit sa ulo. Napapikit ako sa sobrang sakit at muling humiga. Habang nakapikit ay iniisip ko kung ano ang ginawa ko kagabi kung bakit ang sakit ng ulo ko ngayon at ng katawan ko. Naalala ko na nag-inuman kami ni Louie at ang sunod na naalala ko ay ang nakapagpabangon sa akin.

Nakita ko ang nakakakalat namin na damit sa sahig. Madali kong pinulot ang damit ko at pumasok sa cr. Napaluha ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Sunod-sunod ang pag-iling ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking pisngi.

"Ang tanga mo talaga, Alexa. Naulit na naman." pinagsasampal ko ang sarili ko sa galit.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Tatanggapin pa ba ako ni Luis kapag nalaman niya na may nangyari sa amin ni Louie. At higit sa lahat, paano kung magbunga ang nangyari sa amin? Paano na? Paano na sina Alexander at Lucas? Napaupo na lang ako habang lumuluha.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas sa cr pero hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ko. Napatingin ako kay Louie na nakahiga pa rin sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa bag na dala namin para kuhain ang cellphone ko. Nanginginig ang kamay ko habang hinahalungkat ang bag. Nang makuha ko ang cellphone ko ay nakapatay iyon kaya pinindot ko ang power button. Habang hinihintay ko bumukas ang cellphone ko ay pumunta ako sa terrace. Doon nakita ko ang mga bote ng alak na ininom namin ni Louie. Akala ko ay isang bote lang ang naubos namin. Naka-tatlong bote pala kaming dalawa.

Nagulat ako nang may kumuha ng cellphone ko sa kamay ko.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" seryosong tanong ni Louie na walang suot na pang itaas.

"Louie, ibalik mo sa akin 'yung cellphone ko." pakiusap ko sa kanya pero umiling siya.

"Tatawagan mo si Luis?"

"Kakamustahin-"

"Sinungaling!" sigaw ni Louie sa akin. "Pagkatapos mong sabihin na mahal mo pa rin ako ay sa tingin mo ba ay pababalikin pa kita sa kanya?" hinawakan ako ni Louie sa braso at pinapasok sa loob.

"Umuwi na tayo." naiiyak kong pakiusap.

"Simula ng sabihin mo na mahal mo pa rin ako ay nagdesisyon na akong hindi ka na pabalikin sa kanya."

"Huwag mo naman pairalin ngayon ang pagiging makasarili mo, Louie!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit, masama ba maging makasarili, Alexa? Ngayon lang ako naging makasarili at dahil lang 'yun sa iyo." sagot niya.

"Akin na 'yung cellphone ko." pilit kong inaagaw sa kanya 'yung cellphone ko pero inilayo niya sa akin 'yun.

"Hindi mo pwedeng kausapin si Luis, Alexa. Ako ang kasama mo ngayon kaya nasa akin lang dapat ang atensyon mo."

"Iniisip ko 'yung kambal, Louie. Nag-aalala na ako sa kanila."

"Ayan, idadahilan mo na naman 'yung kambal para hindi matuon kay Luis ang problema. Alam mo, hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang kaming magkapatid, eh."

"Hindi ko kayo pinaglalaruan! Sa tingin mo ba madali ang maging nasa posisyon ko? Akala mo ba ay gusto ko ang lahat ng nangyayari? Hindi mo alam kung gaano na ako kahirap nang dahil sa mga nangyayari."

"Hindi naman tayo hahantong sa ganito kung hindi nagbunga ang isang gabing pagkakamali niyo ng kakambal ko. Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na may nangyari sa inyo ng kapatid ko? Hindi, dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko."

"Hindi ko naman alam na si Luis ang dumating nang gabing iyon." paliwanag ko.

"Alam mo, Alexa, kaya kong tiisin ang sakit at tanggapin ka muli kahit may nangyari sa inyo. Pero nagbunga ang ginawa niyo at nang malaman mo na siya ang ama ay agad kang nagtapat sa kanya at iniwan mo na lang ako basta."

"Pero may kasunduan tayong tatlo." sagot ko pero umiling siya.

"Ngayon, tatanungin uli kita." aniya pero umiling ako.

"Ibalik mo na sa akin-" naputol ang sasabihin ko nang ibagsak niya sa sahig ang cellphone ko at tinapak-tapakan iyon. Wala akong nagawa kundi panoorin ang ginagawa niya habang nakatakip ang kamay ko sa aking bibig.

"Hindi na kita ibabalik kay Luis." sinampal ko siya nang malakas sa galit ko.

"Kung hindi mo ako ibabalik sa kanya ay aalis na lang ako palayo sa inyong dalawa."

"Bakit? Nakakalimutan mo na ba na may nangyari sa atin kagabi?" muli ay nakatanggap siya sa akin ng sampal. "Para saan naman 'yun?"

"Mapagsamantala ka, Louie! Alam mo na lasing ako kagabi."

"Alam mo pa rin ang ginagawa mo kahit lasing ka pa, Alexa." napapikit ako para pakalmahin ang sarili ko. "Sinabi mo kagabi na mahal mo pa rin ako pero pag gising mo ay si Luis na ang hinahanap mo."

"Mahal ko si Luis, Louie." sagot ko.

"Mahal mo siya dahil may anak kayo. 'Yun lang naman ang dahilan mo kaya ka sumama sa kanya, di ba? Pagmamahal mo pa ba na maituturing iyon o awa?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko at muling pumikit. Nasuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. "Mahal ko si Luis, mahal ko sila ng mga anak ko." sagot ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Louie.

"Eh ako? Mahal mo pa rin ba ako?" seryosong tanong ni Louie. Nanatili akong nakatingin sa kanya at hindi makasagot. "Ano? Mahal mo pa ba ako?" napalunok ako habang pinipigilan ko ang luhang gusto nang bumuhos. "Bakit hindi ka makasagot?" iniwas ko ang tingin ko kay Louie dahil hindi ko na kaya salubungin ang tingin niya. "Dahil ang totoo ay mahal mo pa rin ako. Totoo 'yung sinabi mo kagabi na mahal mo pa rin ako."

"Naguguluhan na ako. Gulong-gulo na ako."

Niyakap ako nang mahigpit ni Louie. "Malinaw na sa akin ang lahat, Alexa. Ako ang una mong minahal at hanggang ngayon ay ako pa rin ang mahal mo."

Inilayo ko si Louie sa akin at saka umiling. "Mali ang ginagawa natin, Louie." nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Louie. "Hindi lang dapat ang mga sarili natin ang iniisip natin ngayon. Kailangan din natin isipin ang kapakanan ng nga bata. Naiipit sila sa sitwasyon natin tatlo." Naiiyak kong paliwanag. "Mahal ko si Luis at lalo ko siyang minamahal sa bawat paglipas ng araw. Nakikita ko ang masayang pamilya kapag magkakasama kami." pinunasan ni Louie ang luha sa pisngi ko. "Pero ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos ng ginawa natin. Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin si Luis. Lalo na kung magbunga ang ginawa natin."

"Tahan na." aniya habang pinupunasan ang luha ko. "Kung magbunga man ang nangyari sa atin ay papanagutan kita. Pero sana naman ay ako na ang piliin mo nun."

ThornWhere stories live. Discover now