15

22 5 0
                                    

Madalas na kaming magkakasama na tatlo sa condo dahil anytime ay manganganak na ako. Kaya naman alisto 'yung kambal. Halos wala nga silang tulog dahil sa excitement. Lagi nila akong tinatanong kung hindi pa raw ba sumasakit ang tiyan ko. Pero wala pa talaga akong nararamdaman na sakit.

"Wala pa rin ba, Love?" tanong ni Louie habang naghahain ng almusal namin.

"Wala pa naman. Excited na talaga kayo, 'no?" sagot ko naman.

"Baka kasi overdue ka na, Alexa Jane." ani Luis.

"Alam niyo, kayong dalawa sa kakaisip niyo ay nahihiya ng lumabas si baby." biro ko sa kanila.

Habang kumakain kami ay nakaramdam ako ng pagkaihi kaya pumunta muna ako sa cr. Akala ko ay nadudumi lang ako dahil sumasakit ang tyan ko pagkatapos ko umihi. Pero mukhang manganganak na ata ako.

"Louie! Luis!" tawag ko sa kanila habang papalabas ng cr at nakahawak sa tiyan ko at may umaagos na tubig sa hita ko.

"Ano'ng nangyari?" nagtatakang tanong ni Luis.

"Manganganak ka na ba, Love?" tanong naman ni Louie saka ako inalalayan sa paglalakad.

"Ang sakit na ng tyan ko. Manganganak na ata ako!" napasigaw ako sa sakit. Nataranta naman ang kambal at hindi na alam kung sino ba sa kanila o silang dalawa ba ang bubuhat sa akin.

"Bilisan niyo na!" sigaw ko dahil ang sakit na talaga. Binuhat na ako ni Louie at inutusan niya si Luis na bitbitin na ang gamit namin ni baby.

"Ako na lang magdadrive, Kuya." ani Luis nang maipasok nila ako sa backseat ng kotse. Pumwesto naman na si Luis sa drivers' seat. Mabilis kaming nakarating sa ospital. Mabuti na lang at walang traffic kung hindi baka sa kotse ako nanganak.

Nang maihiga na ako sa kama at tinurukan ng anesthesia ay mababakas mo sa mukha ng kambal ang pag-aalala.

"Kaya mo 'yan, Alexa Jane." ani Luis at hinawakan ang kamay ko saka hinalikan 'yun.

"Nandito lang kami, okay? Wag ka matakot at kabahan." ani Louie at hinalikan ako sa noo. Natatawa na lang ako dahil mukhang silang dalawa pa ang kinakabahan. Malakas naman ang loob ko na magiging successful ang panganganak ko. Lalo na at normal delivery naman at nandito ang kambal sa tabi ko.

"Kapag sinabi kong push, umire ka na. Okay?" tumango naman ako sa instruction ni doktora. Nakailang ire ako pero sinasabi ni doc na mali raw ang pag-ire ko. Jusko, hindi ko alam na may tamang pag-ire pala. Nakailang ire ako hanggang magawa ko nang tama.

"1,2,3, push!" ani doktora habang nakahawak ako sa kambal. Si Luis sa kaliwa at si Louie naman sa kanan. This time ay tama na ang pag-ire ko. Muli ay umire ako nang mahaba dahil iyon ang sinabi ni doc.

"Kaunti na lang, Love. Lalabas na si baby." ani Louie.

"Kaya mo 'yan, Alexa Jane." ani Luis.

"Isang mahabang ire na lang. 1,2,3, push!" umire na naman ako at napangiti ako nang marinig ko ang iyak ng bata. Agad na inabot iyon ng doctor sa nurse na may hawak ng tuwalya. Sawakas ay masisilayan na namin siya.

"Makakapagpahinga ka na, Alexa Jane. Nakalabas na si baby." nakangiting sinabi ni Luis. Tumango naman si Louie bilang pagsang-ayon. Mababakas sa mukha ng kambal ang saya dahil sa mga ngiti sa kanilang mga labi.

Gusto ko sana na makatabi si baby pero bigla na naman humilab ang tyan ko. Pakiramdam ko ay manganganak uli ako.

"Doc, doc, ang sakit pa po." daing ko saka uli umire sa sakit. Lumapit naman sa akin si doktora.

"Mayroon pa?" halata ang pagkalito sa mukha ni Louie. Kahit ako ay naguguluhan din.

"Teka, kambal sila?" nagtatakang tanong ni Luis. Nagkibit balikat na lang si Louie at humawak uli ako sa kamay nila.

"Kapag sinabi kong push, push uli." ani Doc, doon na namin nakumpirma na kambal pala sila. Nakailang ire uli ako, halos mapaos na ako kakaire. Gusto ko na nga sabunutan ang kambal na nasa tabi ko. Nanghihina na rin ako sa pagod. Lumuluwag na rin ang kapit ko kanila Louie at Luis. Pero lagi nila akong sinasabihan na kaya ko para bigyan ako ng lakas. Umire uli ako nang mahaba at saka lumabas ang isa pang sanggol. Hindi ko na siya gaanong nasilayan dahil napapikit na ako sa pagod. Pakiramdam ko ay sumali ako sa isang marathon sa pagod.  Tanging ang iyak lang ng sanggol ang narinig ko.

"Gising na si mommy." ani Louie nang makita akong gumising. Karga niya ang isang sanggol at itinabi niya sa akin iyon.

"Tabi tayo kay mommy, baby." tinabi naman sa akin ni Luis ang isa pang sanggol. Naluluha ako habang pinagmamasdan ko ang kambal. Kamukhang kamukha nila sina Louie at Luis. Siguro ay ganito ang itsura nila Louie at Luis noong bata pa sila.

"Ano'ng pinangalan niyo sa kanila?" tanong ko dahil hindi naman namin akalain na kambal pala sila.

"Alexander at Lucas." sagot ni Louie. Parehas naman pala nilang ginamit ang naisip nilang pangalan sa bata.

"Parehas silang lalaki?" tumango naman sina Louie at Luis. Napapaligiran pala ako ng kambal.

"Ang galing, di ba? Hindi natin alam na kambal pala sila." masayang sinabi ni Luis.

"Paano natin malalaman kung sino si Alexander at kung sino si Lucas?" tanong ko dahil magkamukha talaga sila.

"Si Alexander pogi samantalang si Lucas ay gwapo." pagbibiro ni Luis at parehas na ngumiti ang sanggol na animo'y naintindihan ang sinabi ni Luis. Doon namin nakita ang palatandaan sa kanila. Si Lucas ay may dimple sa kanan na pisngi samantalang si Alexander ay wala.

"Ang gwapo naman ng mga baby ko." hinalikan ko sa noo ang kambal na sanggol.

"Syempre, kanino pa ba magmamana." ani Luis.

"Gwapo ang ama kaya gwapo rin ang anak." isa pa itong si Louie. Nahahawa na rin sa kahanginan ni Luis eh. Hindi ko na lang pinansin ang kahanginan nilang dalawa.

Napag-alaman namin na si Lucas, ang bunso sa kambal, ay naitatago ni Alexander nung kami ay nagpa-ultrasound kaya hindi namin alam na kambal pala sila. Kahit ang heart beat nila ay iisa lang kaya wala talaga kaming kaalam-alam.

"Dahil memorable ang araw na ito. Kailangan natin ng remembrance." ani Luis at saka naglabas ng cellphone at inilagay sa monopad.

"First family picture natin." nakangiting sinabi ni Louie habang pinagmamasdan namin ang picture namin.

Bago kami lumabas sa ospital ay napagpasyahan namin na ipagpaliban muna ang pagkuha ng DNA test. Gusto kasi nila Louie at Luis na maalagaan muna ang mga baby. Sila na rin naman kasi ang nag-aalaga sa mga sanggol. Ngayon ko lang nakita ang kakaibang ngiti nilang dalawa. Hindi mawala-wala ang ngiti nila Luis at Louie kapag karga nila ang mga sanggol. Masaya ko silang pinagmamasdan sa rear view mirror habang ako ay nagmamaneho. Ako na ang nagpresintang magmaneho dahil mukhang ayaw na nilang bitiwan ang kambal.

"Excited ka na ba, Lucas?" tanong ni Luis.

"Uuwi na tayo. Marami kaming binili na laruan para sa inyo." ani Louie.

"Maglalaro tayong apat. Yehey!" dagdag pa ni Luis.

"So, kayo lang maglalaro? Pagkatapos ko pagkahirapan ilabas ang kambal ay hindi niyo na ako pinapansin." pagtatampo ko kunwari.

"Love, kung ikaw napagod sa pag-ire kami naman ay napagod sa-"

"Dahan-dahan naman, Alexa Jane." reklamo ni Luis nang bigla kong inihinto ng kotse.

"May sinasabi ka ba, Marc Louie Sebastian?" tanong ko habang nakatingin nang masama kay Louie. Agad na napailing si Louie at napalunok.

"Wala, Love. Masyado ka naman seryoso. Ako na nga magmamaneho." nagpalit kami ng pwesto ni Louie kaya siya na ang nagmamaneho ngayon. Sawakas at mahahawakan ko na uli ang anak ko. Halos ayaw nilang bitawan ang mga sanggol.

Thornजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें