11

23 13 0
                                    

Simula nang sabihin ko kay Kacey na buntis ako ay hindi na niya ako pinapagawa ng mga gawaing bahay sa apartment niya. Minsan nga ay ayaw niya ng pumasok para maalagaan ako lalo na kapag sinusumpong ako ng morning sickness. Kaya ko naman mag-isa at gumawa ng mga gawaing bahay kaso si Kacey lang talaga ang mapilit. Nakakahiya na nga dahil iyon na nga lang ang maitutulong ko ay ayaw niya pa ako payagan. Minsan nagkakaiyakan pa kami sa mga gawaing bahay dahil sabi nga nila kapag buntis ay nagiging emotional.

"Besty, pumasok ka na lang sa school. Hindi ako mapakali sa school kakaisip sa'yo, e." kawawa naman ang bestfriend ko. Nai-stress sa akin. Stress na nga sa school stress pa sa akin.

"Sige, papasok na ako bukas." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Totoo ba 'yan, Besty?" tanong niya na hindi makapaniwala.

"Oo nga, papasok na ako. Nagsasawa na rin ako mag-isa rito." bigla naman akong niyakap ni Kacey sa sinagot ko.

"Tama 'yan, Besty. At saka para naman sa future niyo 'yan ni baby." napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinawakan niya pa ang tyan ko. "Hello baby, magpakabait ka kapag nasa school si mommy, ha?"

"Mag-aaral nang mabuti si mommy, baby. Gagawin ko lahat para sa'yo." naiiyak ako habang kinakausap namin ni Kacey ang nasa sinapupunan ko. Simula nang aminin ko kay Kacey ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Paano nga pala kapag kinausap ka ni Luis? Galit ka pa rin ba sa kanya?" tanong ni Kacey. Napaisip din ako, handa ko na bang kausapin si Luis?

"Galit? Hmm, naibuhos ko na lahat ng galit ko sa kanya noong nagpunta siya rito. Sa tingin ko ay kaya ko na siyang kausapin. Isa pa, anak niya rin naman ito." sagot ko kay Kacey nang nakangiti. Tumingin naman si Kacey sa mga mata ko.

"Paano si Louie? Hindi mo ba naisip na baka siya ang ama ng anak mo?" natigilan ako sa tanong ni Kacey. May point siya, may possibility na si Louie ang ama ng anak ko dahil may nangyari rin naman sa amin ni Louie bago si Luis. Napapikit ako dahil naguguluhan ako.

"Naguguluhan ako, Besty. Galit sa akin si Louie. Paano kung masaktan na niya talaga ako kapag kinulit ko pa siyang kausapin ko siya?" umiling naman si Kacey.

"Hindi ka niya sasaktan, Besty. Mahal ka ni Louie kaya naniniwala akong hindi niya magagawa iyon. Matagal na rin naman simula nang nagkausap kayo, di ba?" tumango naman ako bilang tugon. "Huwag ka matakot, Besty. Kausapin mo rin si Louie." dugtong niya pa.

"Susubukan ko, besty." umiling naman si Kacey. Susubukan ko naman, ah.

"Hindi mo susubukan, gagawin mo dapat, Besty." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kacey. Mukhang mapapasubo ako.

"Gagawin ko." sagot ko na nakapagpangiti kay Kacey saka niya ako niyakap. Nakarinig naman kami ng pagkatok mula sa pinto kaya bumitiw kaming dalawa sa pagkakayakap at parehas na nakakunot ang noo.

"May bisita ka ata." nagakatawanan kami dahil sa pagkakasabay namin. Parehas naman kaming umiling.

"Ako na magbubukas, Besty." prisinta niya at iniwan ako para buksan ang pinto. Maya-maya ay bumalik si Kacey. "Besty, may bisita ka." aniya saka niya inayang pumasok ang bisita ko raw. Siguro si Luis iyon. Pero laking gulat ko nang makita ko si Louie na pumasok.

"Maiwan ko muna kayo. Bye, Besty." at iniwan nga kami ni Kacey. Jusko, pinag-uusapan lang namin kanina pero ngayon kaharap ko na siya.

"Maupo ka muna ipagtitimpla kita ng juice." tumayo ako sa aking pagkakaupo para pumunta  sa kusina pero nang malagpasan ko siya ay niyakap niya ako mula sa likod.

"I'm sorry." aniya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at humarap ako sa kanya.

"Sorry," umiling siya nang marinig ang paghingi ko ng tawad. Unti-unti ng nagtutubig ang mga mata ko kaya kinakagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak ko.

ThornWhere stories live. Discover now